Aktor na mainitin ang ulo, biglang bumait nang makatrabaho ang dyowa

UBOSCristy Fermin – Pilipino Star Ngayon

November 29, 2021 | 12:00am

Advertisements

Totoo palang malapit na malapit nang mauwi sa seryosohan ang pagi­ging malapit nu’n sa isa’t isa ng isang pamosong male personality at ng magandang aktres.

Alam ng lahat ng kanilang mga katrabaho na nagkakagustuhan na sila, hindi na lang nila ‘yun pinapansin, para hindi sila mapagbintangang pakiala­mero at tsismosa.

Maraming kuwento kung bakit buking ng buong produksiyon ang kanilang pagmamahalan, talagang bumigay pala ang female personality sa sikat na aktor, pero kinailangan nilang maghiwalay.

Kuwento ng aming source, “Paano naman silang hindi mabubuking, e, kapag break nila, magkasama silang dalawa sa sasakyan ng male personality?

“Tapos na ang break, magkasama pa rin sila? May mga panahon pang sabay silang umaalis sa location, sa car ng male personality sumasakay ang girl?

“Hanggang sa pagkain, buking na buking din na special talaga ang girl para sa male personality. Magkatabi na sila, ramdam pa ang kakaiba nilang mga galaw,” pagbibigay ng detalye ng aming source.

Habang tumatagal ang sereye ay mas nahuhulog na ang kalooban nila sa bawat isa. Masayang-masaya ang male personality kapag magkasama sila ng aktres.

Kuwento uli ng aming source, “Di ba, mainitin ang ulo ng male personality? Mahigpit siya sa taping, nakikita niya ang lahat, marami siyang ayaw na hindi maintindihan ng kanyang mga kasamahan.

“Ang girl lang pala ang nakagagamot nu’n, konting lambing lang ng girl, okey na agad si sir! Pero bakit nga ba sila naudlot? Ano ang nangyari?

“Nagwarla ang girl! As in, nagalit talaga siya! Feeling niya, e, ginawa lang siyang spare tire ng male personality dahil nand’yan lang pala ang tunay niyang girlfriend!

“Pinaniwala pala ng male personality ang girl na walang katotohanan ang relasyon nila ng isa pang female personality ng matagal na niyang karelasyon.

“Nag-imbestiga ang girl, nalaman niya na magka-live-in na pala ang male personality at si female personality! At meron pa siyang isang natuklasan na gumimbal sa buong pagkatao niya!

“’Yun na ‘yun! Kinausap ng girl ang management agency niya, ayaw na niyang mag-report sa taping ng serye! Tatapusin niya na lang kung kailangan ang mga naiiwanan pa niyang eksena, pero pagkatapos nu’n, goodbye na siya sa palabas!

“Di ba naman? Tinigok na lang ang role ng girl, tapos na ang maliligayang araw nila ng male personality, nakakaloka ang kuwento nila sa totoong buhay!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kim, ayaw tantanan ng fans ni Bea

Nakakaawa naman si Kim Chiu. Grabe ang tinatanggap niyang bashing ngayon dahil sa kinunan niyang kuwadro ni Bea Alonzo na tinanggal na sa pader ng ABS-CBN.

Humahalakhak pa raw si Kim, tuwang-tuwa pa siya habang kinukunan ‘yun, kaya todo-todo ang galit sa kanya ng mga tagasuporta ni Bea.

Maganda ang kalooban ni Kim sa pagkaka­kilala namin sa kanya, walang masamang buto sa katawan ang dalaga, ano nga kaya ang nagtulak sa kanya na kunan pa ang pagtatanggal ng kuwadro ni Bea sa pader ng ABS-CBN?

Pati ang napakatagal na nilang naging relasyon ni Gerald Anderson ay nabubuklat pa ngayon. Marami nang nakarelasyon ang male personality pagkatapos nila pero pati ‘yun ay ipinamumukha pa ngayon kay Kim.

Hindi pa raw siya nakapagmu-move-on, si Gerald pa rin daw ang mahal niya, kaya sinaktan niya si Bea.

Ang pinakamaganda sigurong dapat gawin ngayon ng mga artista ay huwag nang panghimasukan pa ang ginagawang paglipat ng network ng kanilang mga kasamahan sa Dos.

Ipit si Kim. Tanungin man siya ngayon kung ano ang dahilan ng kanyang ginawa ay hindi rin niya naman masasagot nang maayos. Lalo lang siyang maba-bash.

Sabi ng isang basher ni Kim, “Huwag niyang sabihing bata pa siya kaya nadala lang siya ng emotion niya. Kitang-kita namang humahalakhak pa siya, ano ‘yun? Umalis na nga si Bea sa station nila, sinusundan pa rin niya para saktan?”

Ganu’n talaga ang magiging resulta ng kanyang ginawa. Bakit kasi si Bea pa ang kinunan niya ng pag-aalis ng larawan sa pader, bakit hindi na lang ibang artista, kung kinakati talaga ang kamay niya?

Ngayon pa namang panahon na ito, kahit ano na lang ay nagi­ging malaking isyu, kahit wala namang intensiyong hindi maganda ang gumawa.

Lahat ay may kahulugan, lahat ay malaking kontrobersiya na, lahat ay binibigyan ng kakaibang kulay.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok