Aktor sa ibang bansa na titira, mga naipon nalilimas na!

Jun Nardo – Pilipino Star Ngayon

January 6, 2022 | 12:00am

Advertisements

Umayaw na sa local showbiz ang isang male personality na trusted man ng isang producer sa paggawa ng movie.

Halos isang taon na ring bakante sa trabaho ang male personality. Paubos na rin ang savings niya mula sa ilang mabilisang movies na nagawa noong 2020 at kasagsagan ng pandemic.

Isang malaking project ang sinimulan niya last year. ‘Yun nga lang, hindi na pumuwede ang sche­dule ng bidang aktor kaya natengga siyang muli.

This year ay nakaplano nang mag-abroad ang male personality. Tumanggap na siya ng trabaho doon para sa kanyang pamilya.

Masakit man sa loob ang iwanan ang mga taong umaasa sa kanya, ang kinabukasan naman ng pamilya ang gusto niyang unahin kesa sa ibang tao na walang keber sa kanya!

John at Sid, bibida sa sexy suspense thriller

Isang sexy suspense thriller ang bagong handog ng Viva Films na Reroute na mapapanood ngayong taon.

Bida rito sina John Arcilla, Sid Lucero at ang mapangahas na si Cindy Miranda at Nathalie Hart.

Mula ito sa direksyon ni Lawrence Fajardo at sa Jan. 21 sasabog ang katatakutan at kaseksihan sa Vivamax.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok