November 3, 2021 | 12:00am
Aww tuloy daw ang pagdadamo ng isang actor.
Kaya raw ang feeling ng malalapit sa girlfriend nito, hindi sila magtatagal dahil nga nasa sistema pa rin daw ng actor ang ‘brownies.’
Actually, noon pa raw ang bisyong ito ng actor.
In fact, ayon sa source ng Take It… Per Minute, Me Ganun, ang pagdadamo ang rason kung bakit nag-split sila ng girlfriend niya noon na wholesome ang image hanggang ngayon kasi kasi nga pinipilit ng aktor na ito na mag-marijuana rin ang nasabing wholesome actress. Pero hindi raw napilit ni actor si dyowang actress noon. Kaya ang ending, nag-split sila.
At ngayon na iba na ang karelasyon ng aktor, hindi pa rin pala ito bumibitiw sa pagbibisyo.
Isa pang blind item sa TIPMMG kahapon ay ang tungkol sa isang actress na ginagastusan pala ang kanyang karelasyong actor.
As in sa condo raw ng actor, almost 80% dito ang pera ng actress.
Kaya ang feeling ng malalapit sa kanila, malamang mauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama kung ang actress ang laging sasagot sa kanilang pangangailangan.
Baka raw kasi apektado na ang pag-iisip ng actor sa tagal nito sa pagbibisyo.
Anyway, isa pang BI kahapon sa TIPMMG ang tungkol sa isang sexy star na maitim daw ang nipple.
Sa mga pictorial daw kasi, pinkish ito, pero ‘pag pinanood mo raw ang mga digital film nito, ang itim-itim.
Hahaha. As in hindi raw naitago sa video kaya ang duda ng marami, may baby na itong itinatago.
Yup, usap-usapan nga na may inililihim itong anak sa kanyang ex.
Anyway, ‘yan at marami pang iba ang mga pinag-usapan sa episode 118 ng TIPMMG na napapanood sa social media platforms ng Pilipino Star NGAYON – Facebook and YouTube.