Aktres claustrophobic pa naman… Jomari at Abby nakulong sa elevator ng isang hotel!

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

November 29, 2021 | 12:00am

Advertisements

As of presstime, hinihintay ko pa ang sagot ni Jomari Yllana tungkol sa nasagap naming kuwentong na-stuck ang actor-politician kasama si Abby Viduya sa elevator ng isang five-star hotel nung nakaraang Sabado ng gabi.

Sakay raw sila ng elevator pababa ng hotel nang biglang tumigil daw ito at hindi na gu­malaw. Na-stuck daw sila ng 22 minutes na ikinatakot ni Jomari dahil claustrophobic pala si Abby.

Pero kinumpirma ito ni Abby sa kanyang post kahapon : “So we got stuck in an elevator for 22 mins last night at City of Dreams Manila carpark. It was a terrifying experience especially when you have a phobia of getting stuck in an elevator. Thank God we are safe and sound. We were rescued right away.

“We would like to thank all the managers, security staff and onsite nurses that took care of us. They made sure we were okay before they sent us home. Thank you, @cityofdreamsmanila for your quick response.”

Matagal din ang 22 minutes na nasa loob lang kayo ng elevator at hindi na gumagalaw.

Sakop pa naman ni Jomari ang distrito bilang konsehal ang hotel na iyon.

Shido, ayaw nang makipaghalikan sa lalaki

Nagpapasalamat ang aktor na si Shido Roxas na naisama siya sa pelikulang Nelia na entry ng A&Q Production, Flms Incorporated sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

May mainit siyang eksena rito kay Ali Forbes na may mahalagang role rin sa pelikula. At least this time ay babae na raw ang ka-love scene at kahalikan niya sa pelikula.

Nagawa na noon ni Shido ang mainit na kissing scene kay Ross Pesigan sa Rainbow’s Sunset na kung saan siya ang gumaganap na young Eddie Garcia.

May iba pa sanang projects na halos ganundin ang gagawin, pero mabuti at hindi na natuloy.

Kaya ipinakiusap na raw niya sa kanyang manager na kung puwede ay babae naman daw ang kahalikan niya, na ginawa na nga niya rito sa Nelia.

“This is my first time na girl na naman ang kasama ko. Kaya I was very happy.

“Everytime my manager Tito Leo (Dominguez) would asked me, ‘yung film last time.

“Actually, may series pa dapat na gagawin eh.

“Sabi ko Tito Leo, parang awa mo na huwag mo na akong bigyan ng kissing scene sa lalaki. For two years na ‘yun na sinasabi ko.

“Even before pa, meron dapat na project na na-shelve lang. That was my only request, huwag mo akong bigyan ng kissing scene sa lalaki.

“Okay lang ‘yung hug…pero ‘yung kissing scene ayaw ko talaga ginagawa,” napapangiting pahayag ni Shido nang naka-lunch namin nung nakaraang Sabado.

Excited siya rito sa Nelia dahil matutuloy na rin daw ang pagparada niya sa MMFF, dahil naunsyami ang parada nila noon sa Rainbow’s Sunset nang mabalaho ang mga float sa malambot na lupa ng kalye sa Parañaque.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok