Aktres na ‘di kagandahan, lumalabas ang pagkamahadera ‘pag kapangitan ang pinag-uusapan

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

October 6, 2021 | 12:00am

Advertisements

Ilang staff ng isang weekly show ang nagsabi na sa aking may pagkamahadera raw talaga itong aktres na ito.

Magaling naman siya. Marunong makisama lalo na sa mga movie press na parang barkada lang ang turing niya. Mabait at marunong ma­kisama.

Lumalabas lang daw ang pagkamahadera nito kapag ikumpara mo siya sa mga ‘di kagandahang celebrities.

Hindi naman kasi kagandahan si aktres, kaya madalas ay sa comedy siya nasasalang. Pero magaling siyang umarte.

Sa ilang guestings daw nito, halatang napipikon kapag ang itinutumbok sa usapan ay ang ‘di kagandahang mukha.

Kung anu-ano raw ang sinasabi, na panlalait din sa taong nagsasabi nito.

Lalo na raw ngayong may dyowa siya, lalong nag-feeling maganda raw ito.

May kapogian naman kasi ang dyowa ni aktres, kaya lalong gumanda ang feeling ni aktres.

Eh sabi nga ng iba, hayaan na kung feeling niyang maganda siya, at least nandiyan ang confidence, kahit ‘di naman nakikita sa mukha.

Anjo, malakas ang kalaban

Ilan sa celebrities na nag-file na ng kanilang Certificate of Candidacy ay si Anjo Yllana na tatakbong Congressman ng Camarines Sur.

Nagpatawa pa ito sa kanyang Facebook account pagkatapos niyang mag-file ng kanyang COC, dahil naka-floral na polo ang suot nito.

Sabi niya; “Baka natatawa kayo sa Mayor Atienza look ko po. Someone dear to me gave me this some 2 weeks ago. What better day to wear it than today It was given by my mom.”

Pagkatapos ng hosting job ni Anjo sa Happy Time sa Net 25, tumigil na ito sa CamSur at nagsimula na siyang mag-ikut-ikot.

Malakas din ang makakalaban niya, kaya effort siya sa pangangampanya.

Kahapon naman ay nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy sina Ervic Vijandre at James Yap.

Tatakbo silang konsehal ng 1st district ng San Juan City, sa ilalim ng ticket ng incumbent Mayor Francis Zamora.

Ang buong akala ng karamihan ay taga-Taguig si Ervic, eh 2015 pa pala ang Kapuso actor at matagal na raw silang magkaibigan ni Mayor Zamora. Kaya pinakiusapan siyang tumakbo nang konsehal dahil lagi naman itong sumasama sa projects ng San Juan Mayor.

Hindi ko pa nakakausap si James, pero ang dinig ko magbabakasyon siya sa Italy pagkatapos niyang mag-file ng kanyang COC.

Source link

Leave a Reply

Advertisements