Allan K. nagluluksa na naman, namatay ang isa pang kapatid!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 6, 2021 | 12:00am

Advertisements

Pang-tatlo na…

Namatayan na naman ng isa pang brother si Allan K. “Just lost another brother today. May you rest well in the arms of the Lord in heaven. I love you Manong Welvic,” caption ni Allan sa photo nila ng kanyang kapatid.

Nauna nang mamatayan ng kapatid ang Eat Bulaga host na isa ring COVID survivor noong May and July.

Ang nakatatandang kapatid nila ay pumanaw noong July, si Melba Quilantang.

Matatandaan na noong May naman ay ang bunsong kapatid ni Allan na si Jun ang namatay.

Ang aming pakikiramay, Allan K.

Young actress na visible sa social media at pulitiko, spotted sa BGC!

Aww nagdi-date nga ba ang isang sikat na pulitiko at ang isang young actress na papasikat?

Spotted sila the other day sa BGC na magkasama.

Bumaba sila ng kotse habang nakabantay ang mga security ng pulitiko.

Familiar ang mukha ng young actress dahil vi­sible siya sa social media, habang ang pulitiko ay kontrobersyal.

Or baka naman, nag-lunch lang sila or chikahan lang at may ibang kasama?

Kuya Kim, parable sa Bible ang pinagbatayan ng paglipat

Ang parable of the talents sa Bible ang isa sa naging rason kung bakit tinanggap ni Kuya Kim Atienza ang offer ng GMA 7 after 17 years ng pagiging Kapamilya. “A time came in my life wherein I wanted to grow and to explore. I felt like I was already semi-retired. I felt like if I stayed on, I would retire as a weatherman.

“All of a sudden, I see this opportunity. I was given to be able to make my talent, 10 talents in the Kapuso network. It would be a sin, a disservice to my Lord not to take it,” pahayag niya kahapon sa grand welcome virtual media conference para sa kanya ng GMA 7.

“Isang malaking karangalan na mapunta ako sa Kapuso Network,” dagdag pa ni Kuya Kim, na hindi naman daw iniwan ang Kapamilya na nasa darkest time dahil may maganda raw magaganap sa network months from now.

“Nothing happens by accident. I was given this opportunity by GMA-7 and I intend to make the most out of this opportunity,” katuwiran niya pa.

“At GMA, there’s a window of opportunity to be able to grow at this late age in my life that’s 54. Very few people are given that opportunity to grow at this age,” dagdag pa niya sa naging desisyon.

Tatlo agad ang programa ni Kuya Kim – 24 Oras, Mars Pa More at GTV’s upcoming news magazine show Dapat Alam Mo.  “I am so happy that you are accepting me wholeheartedly. Damang-dama ko ang pangalan ng ating istasyon,” Kuya Kim ended.

Social media platforms nag-down, influencers nawindang

Maraming nawindang na social media users nang mag-down ang Facebook, Instagram, WhatsApp and Messenger.

Literal na nag-panic sila dahil as in nag-down ito kahit anong kaka-refresh nila.

More than six hours ding nag-down ang mga nasabing social media platform though hatinggabi hanggang umaga kaya hindi naman naramdaman ng mga normal ang tulog.

Nag-sorry naman ang founder at CEO ng Facebook na si Mark Zuc­kerberg sa bilyun-bilyong users na naapektuhan ng pag-o-offline ng mga ito. “Facebook, Instagram, WhatsApp and Messenger are coming back online now. Sorry for the disruption today – I know how much you rely on our services to stay connected with the people you care about.”

Twitter lang ang gumana that time, kaya naman sa Twitter talagang naglabas ng emote ang social media users / influencers na naging tamba­yan lalo na ngayong may pandemya.

Kabilang nga sa bumalik sa Twitter si Anne Curtis. “Hello everyone! Welcome back to the Twitter world hahaha.”

Social media is life kasi sa karaming influencers kaya talagang ‘pag nawala ‘yun, windang na, na nangyari na nga.

Anyway, habang sinusulat namin ito ay back to normal na ang lahat.

Source link

Leave a Reply

Advertisements