Andrea, namamahinga rin sa social media

SHOWBIZ NEWS NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

November 30, 2021 | 12:00am

Advertisements

Bahagi na ng buhay ng mga kabataan ngayon ang social media. Mayroon ding magandang naidudulot sa mga tao ang paggamit nito. Ayon kay Andrea Brillantes ay nakapaglilibang siya gamit ang TikTok kapag walang trabaho.

May mga pagkakataong umiiwas din ang aktres sa paggamit ng iba’t ibang apps sa social media.

Isa rin si Andrea sa mga artistang nakararanas ng pamba-bash mula sa netizens. “Recently nag-detox ako sa Messenger, Facebook. Umiwas lang for a bit tapos bumalik din ako. Minsan kailangan mo din na humiwalay sa mga bagay na nao-overwhelm ka para maging mas healthy ka as a person.

“Social media detox can really help. Kasi minsan hindi natin alam kung gaano na tayo naaapektuhan ng social media ngayon eh. Nasa kwarto lang tayo, ano pa ang gagawin natin kundi mag-TikTok, mag-Instagram, mag-Twitter. Pero we can work out, we can read books. We can talk more with our family members. We can create a new hobby. We can learn a new instrument,” paliwanag ng dalaga.

Para kay Andrea ay mas mahalaga pa rin na nakakausap nang personal ang ating mga mahal sa buhay. “Kaya ang best advice ko is iwas na lang din and alam ko naman, low-key tayo ngayong pandemic. So it’s very important to keep close contact with your friends to keep you sane and to your family members,” giit ng aktres.

Jeffrey, sumabak sa pagdidirek ng erotic film

Mula sa pagkanta at pag-arte ay sumabak na rin ngayon si Jeffrey Hidalgo sa paggawa ng pelikula bilang isang direktor. Ang Eva na isang erotic film ay ang kauna-unahang ginawa ni Jeffrey sa bakuran ng Viva Films. “It’s from real accounts actually. ‘Yung mga kwento sa Eva nanggaling talaga sa kwento ng mga kasamabahay, pinagsama-sama lang namin. ‘Pag pinanood n’yo mapapaisip kayo, ‘May nangyari bang gano’n?’ Yes, at isinama lang namin sa kwento. Eva must be the bravest erotic film kasi nga it’s really primarily about sex,” pahayag ni Jeffrey.

Para sa baguhang direktor ay wala siyang nakikitang masama sa tema ng kanyang pelikula. “My vision for the film is to really talk about the sex life of our common kasambahay. It’s all about the sexual exploration and discovery of Eva. It’s also about sexual politics in a way, na parang just like in life, we tend to have preferences when it comes to power and position and that’s what the film talks about. It’s about time na dapat pag-usapan ang sex na feeling ko rin naman sa ngayon mas nagiging open na ang mga Filipinos about sexual content on streaming platforms. Mas pwede siyang pag-usapan na hindi kagaya before na parang medyo taboo ang dating sa kanila. I think there’s no shame in talking about it because ang feeling ko, kami ‘yung nangahas to open up the topic for everyone else. I think it’s about time that we educate the audience and give them something more intelligent. It’s not just all about sex. It’s all about the psychology of Eva. It’s about sexual politics and stuff. Sana ma-realize nila ‘yung lalim at saka ‘yung message na gusto mo rin namang ibigay sa mga tao,” paliwanag niya. Reports from JCC

 

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok