Angeline, naiintrigang buntis | Pilipino Star Ngayon

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

November 30, 2021 | 12:00am

Advertisements

Bakit kaya naiisyuhan na buntis si Angeline Quinto?

Nag-spark ang nasabing chika nang sunud-sunod ang mga cryptic messages niya sa social media.

Isa rito kasi ay ang “God never sends you into situation alone. He goes before you, stands beside you, and walks behind you. Walk in victory.”

Nauna nang inamin ni Angeline na may non-showbiz boyfriend siya though hindi niya binanggit ang pangalan, sa vlog interview ni Karen Davila.

Zia, nakatrabaho na agad ang box-office movie directors

Swerte-swerte ni Zia Dantes.

Bata pa lang, naidirek na siya ng dalawang mahuhusay at box office directors na sina Cathy Garcia-Molina and Dan Villegas.

‘Di ba. Samantalang ‘yung ibang malalaking artista, hindi pa sila nakakatrabaho.

At sa commercial lang ‘yun ni Zia with his dad Dingdong Dantes for Shopee.

Iflinex nga ni Dong kahapon ang kanyang “proud dad moment.”

“Nakasama ko si Direk Cathy sa napakagandang pelikula na Seven Sundays, at si Direk Dan naman ay kaklase ko sa isang film course noon at isa na rin sa mga malulupet na direktor at producer ngayon.

“Ngayon, watching Zia do this Shopee commercial with these two directors that I respect and admire, wala akong ibang naramdaman at nasabi kundi, “sobrang nakaka-proud.” What a rare privilege and opportunity to witness this.

“Ganito pala yung feeling na sinasabi nila kapag nakikita mong nagku-krus ang landas ng mga bagay at tao na mahalaga sa buhay mo. I will remain forever grateful for moments like this.”

 

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok