Arci Munzo, Alma Moreno, Alvin Patrimonio, atbp. kakandidato sa 2022

James Relativo – Philstar.com

September 30, 2021 | 6:39pm

Advertisements

MANILA, Philippines — Sasabak sa larangan ng pulitika ang ilang showbiz and sports personalities sa susunod na taon, ang ilan at magkakasama pa sa iisang partido.

Ngayong Huwebes kasi nang ianunsyo ni House Majority Leader Martin G. Romualdez — presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) — ang pagtakbo ng mga nabanggit sa ilang local posts sa ilalim ng kanilang partido sa May 9, 2022 polls.

Ilan sa kanila sina:

  • Arci Muñoz (aktres, mang-aawit)
  • Alma Moreno (aktres)
  • Alvin Patrimonio (basketbolista at aktor)
  • Teri Onor (aktor)

Tatakbo si Patrimonio sa pagkaalkalde ng Cainta habang tatakbo naman si Arci (Ramona Cecilia Datuin Muñoz) sa pagkakonsehal sa parehong munisipalidad sa Rizal. Kanina lang nang manumpa si Alvin, isang PBA legend, bilang miyembro ng Lakas-CMD sa Batasan Complex office.

“I thank House Majority Leader Martin and the Lakas-CMD for giving us home in the coming election Rest assured that we are going to carry the mission of the party, which is to serve our people,” wika ni Patrimonio kanina.

Tatakbo naman si Alma, dati nang pulitiko, sa posisyon ng konsehal habang si Onor (Dexter Dominguez) ay pupuntiryahin naman ang pagkabise mayor ng Abucay, Bataan.

Si Moreno, isang beteranang aktres, ay dati nang miyembro ng Lakas-CMD at ang unang naging babaeng pambansang tagapangulo ng Philippine Councilors League. Kilalang komedyante naman si Onor at dati nang naglingkod bilang vice mayor sa Abucay. Naging three-termer din bilang provincial board member si Teri sa probinsya ng Bataan.

“We are equally grateful for our new members from Cainta, Parañaque City, Abucay and Samal in Bataan, and Cotabato, Sarangani and Cavite provinces who also took their oath. We expect to get more support in the coming months as we grow our force for the crucial May 2022
elections,” wika naman ni Romualdez.

Ngayong Setyembre lang din nang manumpa bilang miyembro ng Lakas-CMD ang kilalang Kapamilya child-star na si Nash Aguas, na siyang usap-usapang tatakbo sa pagkakonsehal sa Lungsod ng Cavite. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

Source link

Leave a Reply

Advertisements