Babaeng personalidad na mayaman, may listahan ng mga kinikita at lumabas na pera!

UBOSCristy Fermin – Pilipino Star Ngayon

December 2, 2021 | 12:00am

Advertisements

Masinop sa pera ang isang pamosong female personality. Mawala na sa kanya ang lahat, huwag lang ang kanyang calculator, nandito man siya o nasa ibang bansa.

Bestfriend niya ang calculator. Kapag nagsi-shopping siya sa ibang bansa ay hindi niya bibilhin ang kahit ano hanggang hindi niya nalalaman ang presyo nu’n sa sarili nating pera.

Dagdag na kuwento pa ng aming impormante, “Kapag nasa shopping mall siya, e, aligaga siya sa pagpindut-pindot ng kanyang calculator. Ke­sehodang may mga Pinoy pa sa paligid, e, wala siyang pakialam.

“Kailangang mag-convert siya from dollar to peso, malinaw dapat sa kanya ‘yun, para mabili niya ang gusto niya.

“Hindi siya tulad ng ibang artista na kapag nagsi-shopping, e, getlak na lang nang getlak sa bawat mahawakan nila. Iba ang girlash na ito, ang calculator niya ang magsasabi kung bibilhin ba niya ‘yun o hindi! Tawa nang tawang kuwento ng aming source.

“At may isa pang pinakahilig ang female personality. Nililibot muna niya ang buong mall para malaman niya kung anu-anong produkto ang naka-sale.

Patuloy ng aming source, “Malaki nga naman ang diskuwento kapag on sale ang mga produkto, di ba? Halos kalahati ang bawas sa presyo! So, inaalam niya muna ‘yun!

“Imperness, hindi nagreregalo ang female personality ng mga tinatanggap niyang regalo. Hindi uso sa kanya ang pagreregalo ng regalo rin sa kanya!

“Nagsi-shopping talaga siya, mga bago ang pangregalo niya, sa presyo na lang talaga nagkakatalo! Ang katwiran niya, e, hindi siya nagdadamot, gusto lang niyang malaman ang presyo ng mga pangregalo niya kapag nasa ibang bansa siya!

“Kung hindi raw naman nagkakahuli ang presyo, dito na lang siya sa atin magsi-shopping, hindi pa siya magbabayad para sa excess luggage niya!

“Magaling siyang magmaniobra ng kanyang kinikita, hindi porke malaki ang talent fee niya sa mga ginagawa niyang shows, e, magsasayang na lang siya ng datung!

“Marami siyang notebook. Nandu’n ang lahat ng kinikita niya at pinagbabayaran niya. Hindi siya nahihiyang magsabi na mahilig din siya sa hulugan.

“Pero hindi siya sumasablay sa pagbabayad, pinaghahandaan niya talaga ‘yun, kaya marami siyang notebook kung saan nakalista ang lahat-lahat.

“Aktibo pa rin siya hanggang ngayon. Masipag siya, halos hindi na siya nagpapahinga sa kakakayod. Madaling hulaan kung sino siya, kailangan n’yo lang sagutin ang isang tanong—handa na ba kayo?” nakangiting pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Erik walang sagot sa nababalitang pagbubuntis ni Angeline

Matagal nang umiikot ang kuwentong nagdadalantao ngayon ang magaling na singer na si Angeline Quinto. Ayon sa impormasyon ay ang kanyang boyfriend na nagtatrabaho sa isang hotel-casino ang itinuturong ama ng kanyang dinadala.

May kuwento pang tinatapos lang ni Angeline ang mga kompromiso niya pero pagkatapos ng lahat ay lilipad na siya papuntang Amerika para du’n siya manganak.

May source ding nagsabi na ibinebenta na ngayon ng magaling na singer ang kanyang bahay, pero wala pang kumpirmasyon ang lahat, dahil wala pang anumang pahayag si Angeline.

Nu’ng Martes nang hapon ay naging guest namin sa Cristy Ferminute ang minsang napabalitang karelasyon niya, si Erik Santos, para sa promo ng kanyang bagong single na pamasko.

Magandang pagkakataon na ‘yun na nasilip namin para itanong kay Erik kung ano ang pinakabagong balita tungkol kay Angge dahil magka-close sila.

Sabi namin kay Erik, maraming salamat kung magsasalita ito tungkol sa sitwasyon ngayon ng kanyang kaibigan, meron ba itong alam tungkol kay Angeline na gusto rin naming malaman?

Parang nagulat si Erik, sa halip na sumagot ay meron itong kinuhang green tumbler sa kanyang tabi, sabay inom.

Sa amin na nanggaling ang salita, okey lang na walang anumang sabihin ang magaling na male singer, sapat nang statement para sa amin ang bigla nitong pag-inom na walang anumang sinabing impormasyon.

Biglang sabi ni Erik Santos, “I love you, Nanay! Maraming salamat po!” Mas matinding statement ‘yun.

Kung anuman ang totoo tungkol sa pagdadalantao ngayon ni Angeline Quinto ay ipaubaya na lang natin sa kanya ang pagbibigay ng pahayag.

Kilala naman siya sa pagiging diretso, nagsasabi siya palagi ng totoo, kaya kung may katotohanan ang umiikot na kuwentong ilang buwan na siyang nagdadalantao ngayon ay siguradong hindi rin niya ‘yun ipagdadamot sa publiko sa tamang panahon.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok