Bagong Kathniel serye, one year in the making ang kuwento!

SHOWBIZ NEWS NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

October 8, 2021 | 12:00am

Advertisements

Malapit nang simulan ang taping para sa 2 Good 2 Be True na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Masayang-masayang ang magkasintahan ngayon dahil muli silang mapapanood sa isang teleserye pagkalipas ng ilang taon. “After four years na wala kami sa TV, magbabalik na kami at magte-taping na kami very soon. Siyempre para sa aming dalawa ay challen­ging din na gumawa ng panibagong kwento sa dami ng aming nagawa. So one year in the making. Ano pa ba ang pwede naming gawin na something new for the people, para sa mga manonood kung ano pa ba ang pwede naming mai-offer,” pahayag ni Daniel.

Nagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ngayong taon ang tambalan ng KathNiel. Para kay Kathryn ay kailangan talagang pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong gagawin nila ni Daniel. “Last serye namin was La Luna Sangre and ‘yon medyo fantasy-action siya. Tapos sabi namin siguro ‘yung fans lalo ‘yung hinihiling nila is to see us na parang gumagawa ng light na feel but of course dapat nandiyan pa rin ‘yung dapat may matutunan ka, nandiyan pa rin ‘yung core ng mga character but something light just to give them a break and breather sa lahat ng mga nangyayari ngayon,” pagbabahagi ni Kathryn.

Sobrang excitement na ang nararamdaman ngayon nina Kathryn at Daniel para sa kanilang pagbabalik sa trabaho. “Mas excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil it’s been a while and I’m very, very excited,” giit ng aktor.

“Overall excited kami ni DJ,” dagdag naman ng dalaga.

Makakasama rin ng KathNiel sa bagong serye sina Ronaldo Valdez, Gloria Diaz, Irma Ad­lawan, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Smokey Manoloto, Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, Pamu Pamorada, Gillian Vicencio, Kristel Fulgar, Bianca de Vera at Alyssa Muhlach.

AJ, walang paki…

Kinumpirma ni AJ Raval na totoong nililigawan siya ni Aljur Abrenica ngayon. Sa naging pahayag ng aktres sa DZRH ay naibahagi nitong nagpaalam pa umano si Aljur sa buong pamilya ng dalaga.

Matatandaang nitong Hunyo lamang napabalitang nagkahiwalay na si Aljur at asawang si Kylie Padilla. Napag-usapan naman daw nina AJ at Aljur ang tungkol dito.

Kung sakaling magiging opisyal na magkasintahan na sina AJ at Aljur at wala na raw pakialam ang dalaga sa mga sasabihin ng tao tungkol sa kanilang relasyon. (Reports from JCC)

Source link

Leave a Reply

Advertisements