Barbie, tinawag na kabit ni Diego si AJ

SHOWBIZ NEW NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

December 1, 2021 | 12:00am

Advertisements

Nabigyan kami ng pagkakataong makapanayam si Barbie Imperial para sa The Best Talk ng Cinema One. Sinagot ng aktres ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng kasintahang si Diego Loyzaga. Nauugnay ngayon ang aktor kay AJ Raval na siyang naging dahilan diumano ng matinding pag-aaway nina Barbie at Diego. Napabulaanan na ni Barbie ang tungkol sa isyu at iginiit na walang katotohanan ang pumutok na balita. “Lahat ng binibintang sa kanya na nambabae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yon. Kung kaya ko lang sabihin live na hindi totoo, sasabihin ko. Pero ayoko naman na kasi mangsira ng ibang babae,” nakangiting pahayag ni Barbie.

Hinamon din ni Barbie si AJ na magbigay ng reaksyon tungkol sa pagkakasangkot nito kay Diego upang matigil na ang mga ispekulasyon ng ibang tao. “For me kasi if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?” giit ng dalaga.

Ayon pa kay Barbie ay dati silang magkaibigan ni AJ. Ang anak ni Jeric Raval umano ang posibleng nagpapakalat ng malisyosong isyung nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Diego. “Actually friend ko siya noon. Tinanggap namin siya. Sobrang bineybi namin siya sa grupo namin. Kasi nga girlfriend siya (noon) ng best friend ko na si Axel (Torres). Nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na okay, gusto mong maging kabit. Eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.  I heard, I have a proof na AJ and Xian Gaza are friends. They really talked, she feeds him info, ng mga tsismis,” pagtatapos ng aktres.

Maja, binuo ang negosyo para sa mga katrabaho

Magtatatlong taon nang magkasintahan si Maja Salvador at ang businessman na si Rambo Nuñez. Napag-uusapan na rin umano ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. “Darating tayo diyan. Simula naman nang magkabalikan kami ni Bo (tawag ni Maja kay Rambo), hindi naman ako naging madamot. Hindi lang detalyado pero alam n’yo kung ano ang mga naganap. Well, nasa same page naman po kami. May mga napag-uusapan pero si God pa rin ang… sa tamang panahon,” makahulugang pahayag ni Maja.

Samantala, mayroon ng sariling talent agency ang aktres na tinawag na Crown Artist Management. Matatandaang umalis na si Maja sa pangangalaga ng Star Magic at ngayon ay tumutulong sa mga kasamahang artista na nawalan ng trabaho mula nang magsarado ang ABS-CBN. “Dahil sa mga nangyari and para makatulong tayo, nabuo ang Crown. May mga nawalan ng trabaho sa ABS, and ‘yung mga nawalan ng trabaho, nagsama-sama, nagsanib-pwersa. Kumbaga, minsan iisipin na lang po natin, na ang hirap ng pandemic pero may mga magagandang nangyari rin. So ‘yon, nagiging optimistic pa rin kami sa mga pwedeng mangyari,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok