BB, tinalakan sina Robin at Mariel sa ‘panggagamit’

ISYU AT BANATEd de Leon – Pilipino Star Ngayon

December 27, 2021 | 12:00am

Advertisements

Medyo tumatalak na naman si BB Gandanghari sa kanyang vlog, at ang target naman ngayon ng kanyang talak ay si Robin Padilla at ang hipag niyang si Mariel Rodriguez. Hindi naman kasi namin pina-follow ang posts ni Robin at Mariel kaya hindi namin alam kung ano ang sinasabi ni BB na ginagamit daw siya ng dalawa para sa image building nila.

Mukhang ang sinasabi niya, may posts yata sina Robin at Mariel na pinupuna ang diumano ay pagtatampo niya sa mag-asawa, at sinasabi ng mga iyon na walang dahilan para siya magtampo dahil siya naman ay mahal nila. Pinagtawanan iyon ni BB at sinabing iyon daw ay para lamang sa image building ni Robin at ng kanyang asawa.

“Kaya ako naniniwala sa iyo noong araw kasi ang buong paniwala ko ikaw ang tatayong patriyarka ng mga Padilla pero hindi rin pala,” ang tila disgusted na sabi pa ni BB.

Tuwiran ding sinabi ni BB na, “hindi ko po nanay si Bechay Vida­nes. Manager siya ni Robin pero hindi ko siya nanay at wala siyang karapatang magsalita tungkol sa akin. Kung may gusto kayong malaman tungkol sa akin ako ang dapat ninyong tanungin,” sabi pa niya. Talagang naglilitanya siya ng kanyang sama ng loob habang nagmamaneho ng kotse kasama ang kanyang alagang aso.

Maraming naging misunderstanding ang magkakapatid na iyan simula nang umalis nga si BB, nagpalit ng pangalan at namuhay bilang isang babae sa US.

Hindi ‘yun nagustuhan ng kanyang mga kapatid kaya hindi na siya pinakialaman sa kanyang buhay. Pero si BB, siyempre noong una nagulat dahil hindi naman niya akalain na babalewalain na siya ng mga kapatid niya.

“Tigilan na ninyo iyang pagpapapogi ninyo sa Instagram,” sabi pa ni BB.

Puro image building lang iyan, ang bintang ni BB.

Si Robin kasi ay kandidato sa darating na eleksyon. Ang isa pang kapatid nila, si Rommel na tatay ni Daniel, ay kumandidato rin.

Ang dalawa ay parehong talunan sa kanilang naunang political attempts.

Spiderman, mas inaabangan

Nakakalungkot, wala ang mahahabang pila noong araw ng Pasko sa mga sinehan, ‘di gaya ng mga nakaraang MMFF. May mga sinehang malalaki na nananatiling nakasara dahil “hindi pa tapos ang renovation, at kaila­ngang ayusin matapos ang dalawang taong nasara at para mag-conform sa new normal.”

Pero ang nakakalungkot, timing ang bukas ng mga sinehang iyon sa pagsisimula ng Spiderman sa Jan. 8, pagkatapos ng festival. Kaya may nagpaparinig na namang pinapaboran ang mga pelikulang dayuhan.

Hindi mo naman masisisi ang mga sinehan. Iyong pelikulang Pilipino na inilabas bago ang festival ay tatlong screening na nga lang, mayroon pang hindi natuloy dahil walang nanonood.

Bakit pa nga ba naman magbubukas ang mga sinehan kung ang ending ay malulugi lamang sila, dahil hindi naman gusto ng mga tao ang mga pelikulang ipapalabas?

Sa restrictions na lang na ipinatutupad, at sa lahat ng sanitation requirements, talagang tagilid na ang kita ng sinehan. Kung maliliit na pelikula pa ang palabas kagaya ng mga indie, siguradong lugi na.

 Iyan namang promo at marketing ng pelikula na sinasabi rin nilang mahina, nasa producers naman iyan at hindi sa sinehan.

Dating matinee idol, rumaraket sa baklang derma

Ang dating cute na matinee idol na hindi na sikat ngayon, nakita ng isa naming source na may kasamang gay na mas matanda sa kanya.

Sa pag-iimbestiga, ang gay ay isa palang dematologists. Pero malakas ang kutob ng aming source na hindi kumokonsulta sa dermatologist ang matinee idol. Mukha raw iba ang business.

Hindi naman daw kabilang ang nasabing gay dermatologist doon sa nakikipag-exchange deal sa mga artista na binibigyan ng free services kapalit ng casual endorsement o mga plugging, pero kilala raw na madatung iyon at may panahong may mga alaga ring macho dancers na nakukuha niya sa gay bars.

Bakit umabot na si matinee idol sa ganyang level?

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok