Belle, nanibago sa serye na wala si Donny

SHOWBIZ NEWS NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

January 8, 2022 | 12:00am

Advertisements

Labis ang kaligahayan na nararam­daman ni Belle Mariano dahil sa pagkakahirang sa kanila ni Donny Pangilinan bilang 2021’s Best Love Team para sa Tag Awards sa Chicago, Illinois kamakailan.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat nang patuloy na humahanga at sumusuporta sa kanilang dalawa ni Donny. “I actually saw that while I was scrolling through Twitter and grabe, sobra ‘yung pasasalamat ko sa lahat nang sumusuporta sa amin. Alam n’yo ‘yung kahit malayo tayo sa isa’t isa, nasa ibang lugar kayo, talagang napaparamdam n’yo pa rin sa amin ‘yung suporta n’yo. Thank you so much,” nakangiting pahayag ni Belle.

Sobrang kumportable na ng aktres sa tuwing katambal si Donny sa mga eksenang kanilang ginagawa.

Ngayon ay hindi makakatrabaho ni Belle ang aktor para sa bagong season ng Click, Like, Share. Mapapanood ito sa pamamagitan ng iWantTFC simula ngayong Miyerkules. “Of course nasanay ako kasi several projects I’ve done with him. Siyempre somehow naninibago din ako coming from He’s Into Her na kasama ko siya and Love is Color Blind. Me and Donny, we’re both very supportive of one another. And now naman sa Click, Like, Share iba naman ‘yung kasama ko. Somehow it was a good challenge for me since dito nga kasama ko marami rin akong natututunan sa kanila and sobrang natutuwa ako ‘pag do’n sa mga kasama ko marami akong natututunan. But right now I can’t see myself being paired with anyone else,” pagbabahagi ng dalaga.

Makakasama ni Belle sa online series ang baguhang aktres na si Shanaia Gomez. Si Nikki Valdez naman ang gaganap bilang ina ng dalawa rito. “I’m also happy that I get to do this project with my co-Rise Artists Studio member Shanaia Gomez and meet new actors as well. I get to learn as well,” pagtatapos ng aktres.

Pelikula nina Janine at Paulo, naudlot ang showing

Mayroong mga natutunan si Paulo Avelino tungkol sa pag-ibig o pagmamahal mula sa Marry Me, Marry You na pinagtatambalan nila ni Janine Gutierrez. Magtatapos na ang naturang serye sa January 21. “Siguro one of the lessons that you can apply in real life is sometimes kasi you believe it’s just you and me against the world. Parang, ‘Mahal kita, mahal mo ako, and that’s the only thing that matters.’ Pero ang totoo niyan, kailangan mo ring mahalin talaga ‘yung nasa paligid ng taong minamahal mo. Whether they’re kind to you or not or whether they don’t like you. Walang talo kapag nagbibigay ka ng pag-ibig at pagmamahal at kasiyahan sa mga taong minamahal mo at minamahal ng mahal mo,” makahulugang pahayag ni Paulo.

Maganda ang naging pagtanggap ng mga tagahanga sa tambalan nina Janine at Paulo. Isang bagong proyekto ng dalawa ang dapat pakaabangan sa mga susunod na buwan. “May pelikula kami na dapat lalabas ngayong February pero na-move dahil tumataas na naman ‘yung (covid) cases natin. But hopefully it gets to be seen this year. I’m really proud of it,” paglahahad ng aktor. Reports from JCC

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok