Biglang nagpatupad ng travel ban dahil sa omicron, Beatrice nakabiyahe na sa israel para sa Miss U 2021!

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

November 29, 2021 | 12:00am

Advertisements

Nasa Tel Aviv, Israel na ang huling update ng pambato ng bansa sa Miss Universe 2021 Beatrice Luigi Gomez. Sa Eilat, Israel ang venue ng 70th Miss Universe. “It’s game time Philippines! Just boarded and off to a cozy trip to the Land of Creation,” ang post ng beauty queen bago siya lumipad pa-Israel.

Pero as of this wri­ting ay wala pang advice si Beatrice kung matutuloy ang Miss Universe 2021 dahil nag-impose ng travel ban ang Israel sa loob ng 14 na araw at gumamit ng surveillance (phone-tracking technology) upang pigilan ang pagkalat ng bagong COVID strain na Omicron.

Kinumpirma nga ng Israel ang isang kaso ng Omicron strain na unang nadiskubre sa South Africa ayon sa mga naglabasang update kahapon.

Mas mabagsik nga raw kasi ang Omicron dahil hindi nade-detect sa swab test.

May ganitong kaso na ring napaulat sa Hong Kong.

Anyway, wishing ang Pinoy fans na sana ay suwertehin si Beatrice sa kanyang paglaban sa 70th Miss Universe kung matutuloy ang coronation nito sa Dec. 12.

Samantala, ilang araw pa lang ang nakakalipas nang kumpirmahin ng karelasyon ni Beatrice na miyembro ng LGBTQ ang kanilang breakup.

“Bea and I have parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more,” ayon kay Kate Jagdon.

Anyway, sinasabi ngang malakas din ang laban ni Beatrice dahil nga bukod sa Pinay na Pinay ang hitsura ay matalino pa.

At sana ay ‘wag daw maging Rabiya Mateo ang kapalaran nito na sobrang lakas sa social media nang lumaban nung isang taon pero hindi sumampa kahit sa Magic 5. Umabot si Rabiya sa Final 21.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok