Bokalista ng banda, walang naging kaibigan dahil sa kayabangan

UBOSCristy Fermin – Pilipino Star Ngayon

January 5, 2022 | 12:00am

Advertisements

Walang raket dito ang isang pamosong musikero. Walang mga concert, wala siyang regular na show, tinamaan ng pandemya ang kanyang karera.

Habang wala siyang ginagawa dito ay nagbakasyon muna sa ibang bansa ang male singer. Marami naman siyang sponsors, sinagot ng mga kaibigan niya ang lahat, kaya hindi nasaktan ang kanyang bulsa.

Kuwento ng aming impormante, “Natural, nakikilala siya ng mga Pinoy du’n, mahabang panahon din kasing sumikat ang banda niya, e! Pero talagang consistent siya!

“Kahit saan siya mapadpad, talagang suplado ang lolo n’yo! Wala siyang pakialam sa mga kababayan nating nakakakilala sa kanya!” unang kuwento ng aming source.

Wala palang mga kaibigan dito sa atin ang musikero. Wala kasi siyang pakisama. Wala siyang pakialam sa mga kapwa niya musikero.

Patuloy ng aming source, “Kunwari, maraming banda ang invited sa isang malaking okasyon. Malaki ang area para sa kanila, masasaya ang mga members ng iba-ibang banda kahit pa ang totoo, e, magkakalaban sila sa popularity.

“Bakit wala ang bokalistang sikat kuno? Bakit hindi siya nakiki­pagsaya sa mga kasamahan niya? Waley talaga siya du’n, nasa van lang siya, naghihintay na tawagin kapag siya na ang kakanta!

“Ayaw pala niyang nakiki-mingle sa mga kapwa niya singers! Mas gusto niyang nag-iisa lang siya! Wala siyang pakialam kahit kanino dahil ang paniniwala niya, e, ibang-iba siya sa iba!

“Kaya wala siyang maituturing na kaibigan. Ang kinakausap lang niya, e, ang PA niya! Kahit ang mga kabanda niya nu’n, e, hindi niya ka-close!

“Nu’ng magsolo na siya, e, lalo na siyang yumabang! Ang feeling niya, e, siya na ang pinakasikat na bokalista sa buong mundo! Walang binatbat sa kanya ang kahit sino!” madiin pang kuwento ng aming source.

Malungkot kuno ang musikerong ito kahit pa sikat siya. Kitang-kita ‘yun sa itsura niya, wala man lang siyang kaibigan na regular niyang nakakakuwentuhan, sarili lang niya ang itinuturing niyang kaibigan.

Sabi uli ng aming source, “Kasi nga, e, hindi siya nagtitiwala sa ibang tao. Maramot siya sa pagbibigay ng compliment sa kahit sino. Dahil wala siyang trust kahit kanino, e, ganu’n ang buhay niya, malungkot, parang walang saysay.

“Mali nga ang name niya, e! Di ba, ang puno ng kawayan, habang tumataas, e, yumuyuko? Kabaligtaran niya ‘yun! Mayabang siya, suplado, kasi nga, siya ang pinakamagaling na singer sa balat ng lupa!

“’Yun ang feeling niya, ‘yun ang paniniwala niya! Walang kahit sinong dadaig sa kanya!” inis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris, mas pinili ang sarili kesa kay Mel

Kumpirmado! Tapos na nga ang relasyong Kris Aquino-Mel Sarmiento. Kumbaga sa plantsa, hindi pa man nag-iinit ang kanilang relasyon ay lumamig na agad, natuldukan na.

Ang sabi ni Kris, pagkatapos daw niyang ilabas ang kanilang hiwalayan ay hindi na uli natin mababasa sa kanyang mga posts at video ang pangalan ng dating kongresista.

Inamin ni Kris na sobra ang pagbagsak ng kanyang katawan ngayon. Sinubok na niya ang lahat ng gamot pero patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang timbang.

Aalis daw siya isang araw para sa ibang bansa siya magpapagamot. Kailangan daw niyang gumaling para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Sa text message na ipinadala ni Mel kay Kris ay lumalabas na si Kris ang nakipaghiwalay sa pulitiko. Malinaw na tungkol sa kaligtasan ni Kris ang pinag-argumentuhan nila.

Sobrang maingat si Kris sa kalusugan nilang mag-iina, samantalang si Mel naman ay aminado na hindi ito ang tipo ng taong maikukulong, nagkakaroon na raw ito ng fatigue dahil sa bubble.

Ganu’n lang? Sapat na bang dahilan ‘yun para maghiwalay na sila? Paano na ang pinaplano nilang pagpapakasal? Paano na ang mga nauna nilang sinabi, lalo na ni Mel, na hinding-hindi sila maghihiwalay dahil mahal na mahal nito si Kris?

Maraming hindi naniniwala sa inilabas nina Kris at Mel. May mas malalim na dahilan kung bakit binura ni Kris ang mga retrato nila ni Mel at ang mga video nu’ng maliligayang araw nila.

Hindi ipinanganak kahapon ang mga kababayan natin. Siguradong iba-ibang dahilan ang lulutang ngayon kung bakit napakabilis nilang naghiwalay.

Sabi ni prop, “Remember what I said nu’ng unang lumabas ang relasyon nila? I said good luck to the gentleman. Harinawang sila na nga ang magkatuluyan.

“Pero kung hindi kakayanin ng guy ang ugali ni Kris, sa hiwalayan din sila mauuwi. What happened now? Kinaya ba ni Mr. Sarmineto ang ugali ni Kris?

“Whirlwind ang romance nila, pero whirlwind din ang kinauwian,”  napapailing na komento ni prop.

Hindi nga lahat ng klase ng biyaya ay ibinibigay sa isang tao lang.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok