Chie Felomina, tinapatan si Bea sa kalendaryo!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

December 3, 2021 | 12:00am

Advertisements

Ipinakilala ng Ginebra San Miguel si Kapa­milya actress at ang calendar vixen ng Pinoy Big Brother na si Chie Filomeno bilang 2022 Calendar Girl. Isang virtual launch ang ginanap nitong Miyerkules (December 1) para salubungin ang pinakabagong brand ambassador ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI). “To be a part of the Ginebra San Miguel family is such a big fulfillment for me. This is a dream come true. I am really happy and grateful to be a part of the brand’s legacy,” ani Filomeno.

Dagdag pa niya na ang mapili ng Ginebra, ang pinakamabentang gin sa mundo, ay isang napaka-importanteng bahagi ng kanyang showbiz career.

Itinuturing ni GSMI National Sales and Marketing Manager Allan Mercado si Chie na isang modern Filipina na kumakatawan sa mga katangian ng Ginebra San Miguel brand. “Chie Filomeno is a modern woman who is passionate in her work as a model, vlogger, youth influencer, and actress. GSM chose Chie Filomeno because she embodies the attributes that our products stand for – a modern Filipina who personifies our brand attributes of being ‘matapang,’ ‘ganado,’ and having that ‘never-say-die’ attitude,” ani Mercado.

Ang nasabing kalendaryo ay may anim na layouts na nagpapakita ng iba’t ibang interes at libangan ng aktres – health at fitness, car racing, roller skating, fashion, surfing, at pati na rin ang pagpasyal sa beach. Ang bagong calendar ay mayroon din QR code feature na kung saan maaaring i-scan ito ng mga fans at followers ni Chie gamit ang kanilang mga smartphones para mapanood ang behind-the-scenes mula sa kanyang calendar girl photoshoots.

Naniniwala si Chie na ang pagiging Ginebra San Miguel calendar girl ay hindi basta ganda lang at pagpapa-sexy. “It is definitely beyond that. It is about being strong. It is about feeling and looking good, not just on the outside, but also on the inside. I know I am more than just a pretty face. I am more than my mistakes. I know I still have a lot to prove, not to other people, but to myself. My competition is myself and not anyone else.”

Hinangaan si Filomeno ng kanyang higit sa anim na milyong followers sa TikTok, Instagram, at Twitter dahil sa pagtulong niya sa mga jeepney drivers na naapektuhan ng pandemya. Hangad din ng bagong calendar girl na gamitin ang bagong platform na ito bilang brand ambassador na makapagbigay inspirasyon at pag-asa sa mga kabarangay. “I use it in a positive way, to inspire people, because that is what we all need right now. We should use our influence to inspire and give hope. That has been my goal.”

Makakasama ni Filomeno bilang bahagi ng GSMI family ang aktres na si Sue Ramirez para sa GSM Blue, at social media sensation Albert Nicolas at aktor/singer na si Matteo Guidicelli para sa Primera Light Brandy.

Ang Ginebra San Miguel Calendar Girl ay bahagi na ng tradisyon ng kumpanya mula pa noong 1988. Ilan sa mga beauty queens, modelo at artista na natampok bilang Calendar Girl ay sina Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heusaff (2012), Kim Domingo (2017), Miss Universe Pia Wurtzbach (2019), at Sanya Lopez (2020).

Sosyal din si Chie, si Bea Alonzo lang naman ang katapat niya sa paseksihan ng kalendaryo sa 2022.

Gong Yoo, kinuyog ng pinoy fans sa IG

Grabe, umabot na agad sa 1.6 million ang followers ng Korean superstar na si Gong Yoo sa Instagram. Yup, agad-agad ganun na karami ang followers na tiyak majority doon ay Pinoy fans.

Nagdiwang nga ang  fans nang maki-join na sa IG si Gong Yoo na siguradong may administrator.

Tatlong photos pa lang ang pino-post niya since buksan ang nasabing account niya sa IG.

At ang unang post ay squid o pusit na nasa isang plato.

Kasama si Gong Yoo sa sinasabing most viewed show sa Netflix na Squid Game.

Hindi gaanong aktibo sa social media ang mga Korean star. Work related lang ang karaniwang ipino-post nila sa kanilang mga social media account.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok