Coco, tuloy ang pagbuhay sa career ng mga senior star

TAKE IT TAKE IT!Lolit Solis – Pilipino Star Ngayon

January 9, 2022 | 12:00am

Advertisements

Siguro ang laki ng utang na loob ng stars na nasasali sa FPJ’s Ang Probinsyano. Ito na yata ang serye na talagang halos lahat ng senior stars, mga nawawalang bituin, mga baguhang binigyan ng chance ni Coco Martin na makalabas.

In fairness, ang galing ng ginagawa ni Coco Martin na pati mga matagal nang hindi napapanood binibigyan niya ng pagkakataong makalabas sa Probinsyano.

Ito ang tulong niya sa mga kasamahan sa showbiz, kaya naman ganun kalaki ang pasasalamat sa kanya ng mga nabigyan ng chance.

Kaya para sa marami niyang kasamahan sa showbiz, parang anghel ang tingin kay Coco. Sa hirap ng trabaho ngayon, heto ang way niya sa pagtulong sa mga less fortunate na kasamahan, ang bigyan ng trabaho.

Bongga ka, Coco. Salamat sa pagbibigay mo ng trabaho sa stars, lalo na doon sa mga ­senior.

Mga artistang ‘di ipinag-iingay ang tulong, mas may dignidad

Ang sarap talagang makita na hindi nagdadamot ‘yung stars na nakakaangat sa panahon na ito. Feel mo ang kindness at pagiging charitable ng marami.

‘Yung in some ways, kahit in their small way nagpaabot ng kahit konti sa ibang kasamahan na med­yo down nitong nakaraang mga araw. Mga tulong na hindi ipinakita, ipinaalam, ibinalita at pinakunan ng photos. Kasi nga para bang ‘yung natitira mong konting dignity sa katawan parang nawala na ‘pag nakita o ipinakita na inaabutan ka.

Puwede namang gawin iyon nang hindi kailangang ibinalita pa.

Hindi ba nakaka­gulat na malaman mo na lang na si Angel Locsin ang nagbayad ng funeral expenses ng isang kasamahan sa pagsusulat noon?

Hindi ba ang gandang basta na lang sinabi ni Boobay na si Marian Rivera ang nagbayad sa hospital bills niya?

Na minsan ay nagbigay si Billy Crawford sa carolling ay P150K?

Mga gesture na nalalaman lang natin nang biglaan, hindi nag-ingay. Mas maganda ‘di ba? Mas sincere. Dahil iyon mismong tinulungan ang nagsalita, hindi ang nagbigay.

Tindig balahibo ka ‘pag ganun. Hindi ‘yung maingay na nagbigay na kung minsan sa sponsor galing, o kaya naman sinasabi pang sa sarili niyang bulsa.

‘Pag tumulong ka at mula sa puso, hindi kailangang malaman pa ng iba. Basta ibigay mo, malalaman din iyon, mas masarap dahil alam ng binigyan mo na hindi mo siya binigyan para lang pag-usapan ka, iyon talagang bukal sa loob mo ang tulong.

At tandaan lagi, charity begins at home, ‘yung mas malapit sa iyo, iyon ang tulungan mo, huwag ang iba.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok