Derek at Ellen kalat na ang kasal, Pinagtatalunan kung bakunado na!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 13, 2021 | 12:00am

Advertisements

Ilang araw na lang diumano ang binibilang nina Derek Ramsay at Ellen Adarna at mag-iisang dibdib na sila.

Pero pinatatanong kung bakunado na ba sina Derek at Ellen.

Nagagalit na kasi si Presidente Duterte sa mga hindi nagpapabakuna. Inuutos niya na para maturukan ang mga ayaw pa rin at takot sa bakuna para sa COVID-19, turukan na ang mga ito habang natutulog.

Awww.

Kasama si Derek sa anti-vaxxers na ayon sa isang survey almost half ng populasyon sa Pilipinas ang ayaw magpaturok kontra sa nakakamatay na sakit. Sabi ng pangulo sa address to the nation nito na umere kahapon: “Eh kung ayaw ‘di akyatin sa bahay, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano, I will lead the journey.”

Whoaaa…

So may chance kaya raw na akyatin sa bahay sina Derek at Ellen para mabakunahan bago sila ikasal kung di pa sila nababukunahan?

Sa interview ni Derek last August na naglabasan, hindi pa rin sila kumbinsido sa bakuna kaya pinalalakas nila raw ang kanilang immune system para hindi magkasakit.

“Hindi pa kami convinced with everything about it. But I don’t want to talk about it because that’s our decision, ‘di ba? Hindi pa kami comfortable to get vaccinated. That’s why we really, really work hard on boosting our immune system. Hindi naman kami masyadong lumalabas. Pero we always take our vitamins. We really invest in our vitamins,” aniya sa lumabas na interview.

Well, last August pa ang nasabing interview so baka naman by this time ay bakunado na sila.

May pinagtanungan ako pero baka raw secretly nagpabakuna na ang ikakasal. Pero ang isang sure raw, vaccinated ang parents ni Derek.

Kalat na kalat kasi sa social media ngayon ang pre-wedding pictorial nila kaya pinagtatalunan ngayon kung bakunado na ba ang ikakasal o kinasal na ba?

Source link

Leave a Reply

Advertisements