Dingdong, nakabawi nang bongga kay Marian!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

January 6, 2022 | 12:00am

Advertisements

Ayaw pang sabihin ni Dingdong Dantes, pero may isang mystery Kapuso actor na naka-alternate niya sa pagbibidahan nilang episode sa GMA drama anthology na I Can See You  : AlterNate.

Though ayaw niya pang sabihin pero nagpramis siyang ipakikilala niya naman ito.

Dual character si Dingdong sa AlterNate at leading lady niya ang isa sa mga newest Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na puring-puri ng actor. “Literally it’s a beautiful experience working with Beauty. I respect her artistry. She’s such a brilliant artist hindi lang sa pag-arte but maging sa iba pang bagay, like art. I learned a lot from her about art. I admire her professionalism in portraying Shiela. She’s very much invested in her role. We had a great teamwork with the whole cast. Hindi mo maisasabuhay convincingly ang isang character kung wala kang magaling na kaeksena. I also want to thank my stand in who doubles for me in some scenes. Hindi mabubuo ito without him,” sabi ni Dingdong na first time nakilala at nakita si Beauty sa totoong buhay nang gawin nga nila itong AlterNate.

Pero ayon sa actor, isa na ito sa pinakamahirap niyang ginawa.

“Masasabi ko na isa ’to sa pinakamahirap talaga na nagawa ko in terms of character. Pero ’yon nga, ine-enjoy ko ’yon. At the same time, nangyari ang lahat ng ito dahil sa collaboration naming lahat sa set. Kumbaga, naki-create namin ang character ng bawat isa dahil sa commitment. Well, hindi lang siya basta-basta commitment, kung hindi sa tindi ng commitment ng bawat isa,” pahayag pa ni Dingdong sa mediacon days ago.

For a month silang nag-lock in na aniya sa simula pa lang ng quarantine ay pinaglaruan na nila ang mga character nila.

Opposite kasi ang character dito ni Dingdong na mala-sangganong si Michael at ang prim and proper na si Nate na ayon sa kanya ay hindi naging madali pero na-enjoy niya.

Anyway, nagpapasalamat naman siya kay Marian Rivera na suportado siya all the way sa proyektong ito. “Yes, kung hindi siya pumayag magkahiwalay kami for one month, hindi ko rin gagawin ito. She always sends us food sa Laguna to show her support for us. Buti na lang and when I got back home, naging magkasama naman kami sa Israel when she was a judge sa Miss Universe at talagang nag-enjoy kami roon being together. Nakabawi kami.”

Mapapanood ang AlterNate beginning January 10.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok