Dinner date nina Taylor Swift at Gong Yoo, super fake!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

November 29, 2021 | 12:00am

Advertisements

Super fake news ang kuwentong nag-date sa New York sina Taylor Swift and Korean superstar Gong Yoo (Train to Busan / Goblin). Sabi kasi sa kumalat na tweet “Taylor Swift had lunch with South Korean actor Jin Goo. My friend works at the restaurant in NYC but didn’t serve them” na later on ay sinabing si Gong Yoo.

Na kahit ibang name ang binanggit at walang basis pinatulan ng ibang entertainment website kaya pinag-usapan sa social media.

Kaya naman mabilis nag-deny ang management team ng Korean actor.

“Gong Yoo is in Korea at the moment. He has not been in NYC for a while; his last visit to NYC was quite a long time ago,” ayon diumano sa statement ng management Gong Yoo sa SBS News na parang ‘di active sa social media.

Ang English actor na si Joseph Matthew Alwyn ang karelasyon ni Taylor.

At ito ang kaibahan ng mga Korean star sa local stars natin. Ang mga Korean, ang management team nila ang nagde-deny ng mga isyu sa kanila, samantalang sa atin, mismong mga artista ang nag-i-scoop sa kanilang sarili alang-alang sa monetization. Hahaha.

Kaya naman nawalan na sila ng mystery. Dahil mismong sila na ang nagbabalita sa sarili nila. Hahaha.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok