Edu at Cherry Pie, gusto lang munang mag-enjoy

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

December 30, 2021 | 12:00am

Advertisements

Wala pa sa plano ang kasal…

Dumalo si Daniel Padilla sa nakaraang Gabi ng Parangal ng 47th Metro Manila Film Festival nung nakaraang Lunes, pero wala ang ka-loveteam niyang si Kathryn Bernardo.

Kaya ang kinikiligan doon sa awarding ay ang magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache na tinaguriang PieDu ang kanilang relasyon.

Sabi nga ni Giselle Sanchez na host nung gabing iyon, isa raw siya sa fans ng PieDu loveteam.

Napapangiti na lang ang dalawa kapag nababati sila.

Doon lang namin nalaman na parang ‘second coming’ na raw itong kanilang relasyon, dahil 20 years ago ay nagkaroon na raw sila ng relasyon. Panahon pa raw ‘yun ng Tanging Yaman, pero hindi lang natuluy-tuloy. Pero halos isang taon din daw silang nagdi-date.

“Hindi niya talaga ako nakakalimutan,” natatawang biro ni Edu nang sandali namin silang nakatsikahan sa awards night.

“Ikaw ang hindi nakalimot sa akin,” natatawang sagot naman ni Cherry Pie.

Pero ngayon, masaya silang dalawa, at hindi na nila ito itinatago.

Sabi pa ni Cherry Pie nang makapanayam namin; “We’re very happy, kasi masaya ang lahat.

“Good vibes lang. Positive lang.”

Dagdag na pahayag ni Edu; “At least ginagawang mong masaya. Kapag dalawin tayo ng ibang klase ng kalungkutan…lahat ng problema ng tao, at least ang naisip ang solusyon sa problema.”

Lalong na-develop ang kanilang relasyon nang magsama sila sa teleserye nilang Marry Me, Marry You. Pero napapag-usapan na rin ba ang mag-‘marry me, marry you?’ “Hayaan nyo kaming mag-enjoy muna, ‘di ba? Masyado n’yo naman ka­ming minamadali,” pakli ni Edu.

Isa sa mga hurado ng MMFF si Cherry Pie at natutuwa siyang nagsisimula nang bumangon ang movie industry, at sana tuluy-tuloy na raw ito.

“As much as may preview kami as being ano…nanood talaga kami sa sinehan. Naghahalong saya at lungkot, pero you know…you’d always want to be hopeful. We’re seeing the light in the tunnel. Nagsisimula na. Pero sana tulungan din tayo na makabangon.

“Alam po namin na maraming mapapanood online. Pero sana tulungan ‘nyo rin na makabangon ang industriya na, you know to go out of their way to watch the movies. Support the Metro Manila Filmfest, na sana magtuluy-tuloy na. Marami pa ring kasama natin sa industriya na walang trabaho.

“Masaya na ito nasimulan na at sana magtuluy-tuloy na. and we can only be hopeful. So, tulung-tulong tayo,” saad ng premyadong aktres.

Edgar Allan, may nabili pang lupa sa Tagaytay!

Marami ang natuwa kay Edgar Allan Guzman sa pa-surprise niya sa kanyang ina na house and lot.

Noon pa man nang ilang beses din naming nakatsikahan si EA, sinasabi niya talagang dream niyang maipagpatayo ng bahay ang kanyang pamilya.

May binili na siyang lupa sa Tagaytay at talagang todo kayod siya para mapatayuan ito ng bahay.

Pero sa rami ng ginagawa niya, nakapag-ipon naman siya, at sa awa ng Diyos, may nabili siyang bagong tayong bahay.

“Brand new house po ‘yun kuya.

“Ito na po yung binili ko sa Paranaque para po sa Mama ko.

“Parang three years ko rin pong pinag-ipunan hehehe,” text sa akin ni EA.

Ang suwerte naman ni Edgar Allan na hindi talaga siya nawawalan ng trabaho.

Kasama naman siya ngayon sa bagong drama series ng GMA 7 na Widow’s Web.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok