Edu, may message kay Jennylyn!

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

October 5, 2021 | 12:00am

Advertisements

“Have a great life!,” ang message ni Edu Manzano kay Jennylyn Mercado nang lumabas ang official statement ng management team ng actress, Becky Aguila Ma­nagement Team, three days ago kung saan sinasabi ngang nasa good condition ito sa kasalukuyan matapos ma-pack up ang taping nila ni Xian Lim para sa teleseryeng Love.Die.Repeat na first project pa naman ni Xian sa GMA 7.

Maaalalang ex din ni Luis Manzano si Jennylyn. Pero hindi nagtagal nun sina Jennylyn at Luis at wala akong maalalang sinabi nila kung bakit sila nag-break.

Anyway, sinisisi ang title na Love.Die.Repeat ng teleserye dahil bago ito nag-umpisa ay nag-positive na si Kim Domingo at pinalitan ito ni Myrtle Sarrosa.

Sam at Catriona, nasa Mauritius

Nasa Mauritius pala ang magdyowang Sam Milby and Catriona Gray para sa isang digital advocacy program.

“Enchanted by the Seven Cascades of Mauritius. It was raining the entire drive over, but as soon as we came to the last part of our hike and stepped out to the head of the Waterfall, the sun came out and blessed us. God sho­wing off all His beautiful creation,” post ng dating Miss Universe.

Bianca, may payo sa nakakaranas ng heartbreaks!

Muling ibinuhos ng Kapuso actress and Legal Wives star Bianca Umali ang kanyang damdamin sa heartbreak song na pinamagatang Itigil Mo Na under GMA Music released last Thursday, Sept. 30.

Bukod nga sa kanyang accomplishments bilang actress, Bianca is also making a name for herself in the music scene. Ang kanyang debut track na Kahit Kailan was nominated at the 34th Awit Awards for Best Performance for a New Female Recording Artist and Best Engineered Recording.

Anyway, Itigil Mo Na paints the sad and cyclic unrequited love story familiar to Filipinos in a soothing and groovy musical arrangement of modern sensibilities.

Tungkol ito sa isang girl who’s falling for a guy who is in love with someone else.

Both cinematic and good for easy listening, the song was written by award-winning writer-director-singer-songwriter Njel de Mesa.  “The message of the song is that nagkakaroon talaga ng mga pagkakataon na sobra-sobra tayong magmamahal, to the point na hindi na natin kayang i-let go ‘yung taong mahal natin, kahit na hirap na hirap na at ang sakit-sakit na. To those experiencing heartbreaks, okay lang ‘yan. Normal lang ‘yan. Wag natin lalabanan o tatakbuhan ang hirap at sakit. Kailangan natin mapagdaanan at tiisin lahat yan, dahil ito ang huhubog sa atin na maging mas mabuti, mas matibay at mas matapang na tao. Worth it lahat ng sakit, trust me,” chika ni Bianca.

Currently, Bianca is starring in Legal Wives and is gearing up for HBO’s Halfworlds.

Mapapakinggan ang Itigil Mo Na on Spotify, YouTube Music, Apple Music, and other digital stores worldwide.

 

 

Source link

Leave a Reply

Advertisements