Erich, ‘shookt’ na ama si Raymond

Pilipino Star Ngayon

Advertisements

December 1, 2021 | 12:00am

Magbabago na ang mundo nina Lena (Erich Gonzales) at Lukas (Raymond Bagatsing) dahil matutuklasan na nilang magkadugo at mag-ama sila ngayong linggo sa La Vida Lena, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa isang enggradeng party, magkakaroon ng matinding komprontasyon sina Lena at Lukas sa harap ng kanilang mga pamilya at kasosyo sa negosyo.

Pero emosyonal na papagitna sa kanila si Ramona (Janice de Belen) at ibubulgar nito ang katotohanang mag-ama ang dalawa na ikagugulat ng lahat.

“Sa dinami-dami ng pwede kong maging tatay, bakit si Lukas Narciso pa? Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko noon!” daing ni Erich pagkatapos mabasa ang positibong resulta ng DNA test nilang dalawa.

Hindi naman papaniwalaan agad ni Lukas ang rebelasyon pagkatapos niyang siraan si Lena sa harap ng stakehol­ders ng kumpanya niya. Nalaman kasi ni Lukas ang sabwatan nina Lena at Miguel (Kit Thompson) na bilhin ang sarili niyang kumpanya at tanggalan siya ng kapangyarihang pamunuan ito.

Itutuloy pa ba ni Lena ang paghihiganti sa sarili niyang ama? Paano naman si Lukas?

Subaybayan ang ikatlong season ng La Vida Lena mula Lunes hanggang Biyernes, 10 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok