Gerald, nag-iimbita sa kanyang bagong gym

SHOWBIZ NEW NOW NABoy Abunda – Pilipino Star Ngayon

October 13, 2021 | 12:00am

Advertisements

Taong 2019 nang buksan ni Gerald Anderson sa publiko ang kanyang The Th3rd Floor gym na matatagpuan sa Roces Avenue, Quezon City. Kamakailan ay natapos na rin ang pagpapagawa ng aktor ng isa pang bagong na tinawag namang The Th3rd Floor Park.

Matatagpuan ito sa Samat Street, Quezon City. “Kaya siya The Th3rd Floor Park kasi ginawa naming para siyang Rucker Park in New York or mga park sa States,” bungad ni Gerald.

Isa sa mga maipagmamalaki ng aktor sa kanyang bagong gym ay ang mga basketball court kung saan makikita ang mga imahe ng basketball superstars na sina Michael Jordan at LeBron James. “I call this the LeBron court kasi nandito ‘yung mural ni LeBron. The Jordan court, he’s one of the greatest. So habang naglalaro siyempre dapat after the game pwede mag-selfie. You tap your inner Jordan or LeBron habang naglalaro. You get that feeling na parang mai-inspire ka pagtapak mo pa lang sa court. We can always aspire to be the best basketball player. Naniniwala ako na this happens in the gym,” paliwanag ng binata.

Umaasa si Gerald na mabubuksan na para sa publiko ang bagong gym kapag nagluwag muli ang community quarantine guidelines ngayong panahon na mayroon pa ring pandemya. “I can’t wait for the opening and sana matapos na rin itong pandemic. So everyone can go back to their normal lives. I’m praying for everyone but I also believe to fight this virus and stay healthy. The best way is also to work out and stay active. I’m praying for everyone. So sana when everything is okay pwede na dumalaw kayo dito sa The Th3rd Floor Park,” pagtatapos ng aktor.

Lassy, natakot masapak ni kit

Mapangahas ang mga eksenang ginawa ni Lassy Marquez para sa pelikulang Sarap Mong Patayin kasama sina Ariella Arida at Kit Thompson. Nakaram­dam umano ng takot ang komedyante nang halikan niya ang dibdib ni Kit sa isang eksena.

Mapapanood ito sa pamamagitan ng Vivamax simula sa October 15. “Noong umpisa natatakot talaga ako kasi sa laking tao ni Kit. Baka sapakin ako, isang kamao lang talaga ako. Kaya natatakot ako sa simula. Pero ‘yung nangyari sa akin na ma-experience ‘yung gawin ang eksena, parang isang biyaya. Para akong nanalo, pumapalakpak ako,” natatawang pahayag ni Lassy.

Kinailangan pa raw na ang komedyante ang magpaalam sa hunk actor kung maaari bang gawin ang naturang eksena. “Hindi naman sobrang pinag-usapan. Nagpaalam ako kay Kit na, ‘Kit, pwede ko bang gawin ‘to?’ And he said, ‘yes.’ Gano’n lang kasimple. Pero magkakaroon ka ng pakiramdam na, ‘Wow! Kit Thompson ‘to,” kwento niya.

Wala namang naging problema ayon kay Kit nang gawin nila ni Lassy ang ‘rape’ scene. “Kasi no’ng in-explain sa akin kung anong mangyayari and what the scene’s gonna be, parang alam ko na. That it’s gonna be Lassy and Ariella. I knew how the story goes. So siyempre, nire-rape ako, so let’s make this believable,” pagbabahagi naman ni Kit. (Reports from JCC)

Source link

Leave a Reply

Advertisements