Goma, naniniwalang dapat magka-franchise ang ABS-CBN

SHOWBIZ NEWS NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

October 5, 2021 | 12:00am

Advertisements

Sa susunod na taon ay tatakbo si Richard Gomez bilang Congressman sa ika-apat na distrito ng Leyte.

Kasalukuyang ang dating aktor ang Mayor sa Ormoc City habang ang asawang si Lucy Torres-Gomez ay nanunungkulan bilang Congresswoman.

Kung papalaring manalo ni Richard sa darating na halalan ay isusulong niya sa Kongreso na maibalik ang ABS-CBN.

Matatandaang hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ng Kongreso ang Kapamilya network noong isang taon. Malaki umano ang naitulong ng ABS-CBN sa naging karera ni Richard sa show business. “I am not Richard Gomez now without ABS-CBN. I was a long time employee of ABS-CBN. I worked in ABS for 18 years,” giit ni Richard.

Naniniwala ang dating Kapamilya actor na kailangang mas marami dapat ang pumabor sa Kongreso na mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN upang makabalik sa ere. “In Congress, kanya-kanyang utak ‘yan. As a representative, you represent yourself and your people. So you stand there not as an individual. You stand there for what is good for your people. Especially if it’s a national issue, you will always go for what is good for the whole nation,” makahulugang pahayag ni actor-politician.

Lassy, nandiri kay Ariella

Mapapanood na simula sa Oct. 15 ang pelikulang Sarap Mong Patayin na pinagbibidahan nina Ariella Arida, Kit Thompson at Lassy Marquez.

Nakaramdam umano ng pandidiri si Lassy nang makahalikan si Ariella sa isang eksena para sa naturang proyekto. “Kasi naman siyempre, bading ako, tapos babae, beauty queen hahalikan ko, kadiri ‘di ba? Sabi ko nga, ito na yata ang pinakamarumi, pinakamalansang pelikula na nagawa ko. Napakarumi talaga, ako talaga ang nag-yuck! Feeling ko nga dapat dinala siya sa hospital after ng halikan namin,” natatawang pahayag ni Lassy.

Kabilang din sa bagong pelikula mula sa Viva Films ang kasamahan ni Lassy sa grupong Beks Battalion na sina Chad Kinis at MC Calaquian. Ayon kay Lassy ay maraming kalalakihan ang gustong makipagkilala sa kanya ngayon mula nang sumikat ang kanilang grupo sa social media. “Noon kasi walang masyadong nagme-message sa akin. Walang nagpapa-add sa akin, wala talaga noon as in. So eto na, lumilipas ang panahon, kagaya ngayon ang dami nang nagme-message sa akin. So wala pa naman silang perang hini­hingi sa akin. Gusto lang nila ‘yung makipag-meet sa akin, makipag-meet ako or mag-dinner kami, ‘yung mga gano’ng eksena. Pero hindi naman umabot sa puntong humihingi sila sa akin ng kung ano man. Walang presyuhang nagaganap, walang gano’n,” nakangiting kwento ng komedyante. Reports from JCC

 

Source link

Leave a Reply

Advertisements