Gretchen, kakandidatong kongresista! | Pilipino Star Ngayon

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 6, 2021 | 12:00am

Advertisements

Sayang, tapos na ang Take It… Per Minute, Me Ganun! kahapon nang may mag-text kay Nay Lolit Solis at kumpirmahin na kakandidato na rin for congresional seat si Gretchen Barretto.

Bare pa ang details pero ayon sa ka-text ni Nay Lolit, napapayag na si Gretchen. Though habang sinusulat namin ito ay hindi pa siya nagpa-file ng Certificate of Candidacy.

Bago ito ay pinagdudahan na siyang sasabak sa pulitika dahil sa tuluy-tuloy ang pamimigay ng La Greta love box / ayuda sa mga nagkakalat ng positive vibes at kahit sa mga kaibigan niyang madadatung.

At kasama nga sa napili niyang shareran ng blessings ang lucky viewers ng TIPMMG – saku-sakong bigas at sampung wheelchairs.

Siya mismo ang tumawag kay Nay Lolit na gusto niyang mag-share sa viewers ng number 1 digital talk show nila nina Nay Cristy Fermin and Mr. Fu.

Well, mas may karapatan naman si La Greta sa Congress kesa naman sa mga ibang nagpa-file ng Certificate of Candidacy.

Kung ang mga basketball player nga kakandidato, siya pa ba.

Speaking of COC, hindi naman pala totally pahinga sa pulitika si Cong. Alfred Vargas. Nag-file siya ng COC kahapon for councilor.

Actually, kahit senador puwedeng-puwede si Cong. Alfred. ‘Yun nga lang, parang ang sikip ngayon ng labanan sa mga magsesenador.

Twelve lang ang kailangang manalo pero ang daming kakandidato kasama na ang salpukan uli ng magkapatid sa amang sina former senators Jinggoy Estrada and JV Ejercito.

Inaasahan na ring magpa-file ng COC si Cong. Vilma Santos, matapos mag-file for congressional seat si Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Source link

Leave a Reply

Advertisements