Heaven, nagkukuripot! | Pilipino Star Ngayon

SHOWBIZ NEWS NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

September 30, 2021 | 12:00am

Advertisements

Magdadalawampu’t isang taong gulang pa lamang si Heaven Peralejo. Sa murang edad ay aminadong kuripot daw talaga ang aktres. “Wala ako masyado binibili kasi nga siguro, kuripot ako. At saka mas na-appreciate ko ‘yung isang bagay with time or effort. Mas naa-appreciate ko ‘yung mga bagay na gano’n. Ang pinakamahal ko siguro na pinasa-buy is coffee. Kasi nakakalimang coffee ako in a day. Siguro in the future kung may ipapabili man ako, ‘pag siguro nagawa ko na lahat, ‘pag nabili ko na lahat ng needed at meron pa akong budget para sa wants ko. Kasi ‘yung mom ko tinuturuan niya ako pagdating sa financial things,” paglalahad ni Heaven.

Naging masinop sa pera ang dalaga dahil para sa kinabukasan ang kanyang palaging iniisip. “’Pag bumibili kasi ako sobrang madalang lang talaga eh kahit may pera or kahit wala. Kasi iniisip ko ‘yung future ko na kesa bumili ako ng mga mamahaling bagay, sana nakaipon ako para sa bahay. So ‘yon lang ‘yung thinking ko na ngayon muna ako magkukuripot at magtitipid para sa future ko na hanggang pang-apo na ‘yun,” natatawang paliwanag ng aktres.

Arjo, na-miss ang playground

 Isang malaking karangalan para kay Arjo Atayde na mapiling bida para sa international ABS-CBN series na The Rebirth of the Cattleya Killer. Hango ito sa pelikulang pinagbidahan ni Aga Muhlach na Sa Aking Mga Kamay noong 1996.  “I was very, very happy. Overwhelming kasi ang tagal ko ng hindi umaarte. Nami-miss ko na makasabak sa playground namin, sa set. And yeah, I’m back, so I’m very, very happy to be given the opportunity again by ABS-CBN,” nakangiting pahayag ni Arjo.

Napanood umano ng aktor ang lumang pelikula ni Aga. Sinisiguro ni Arjo na malaki ang pagkakaiba ng kanyang mga gagawin ngayon para sa bagong proyekto. “Such an amazing film. It was a different Aga Muhlach or tito Aga that I’ve seen. Practically, it’s the same story, same personality, same everything. I think the only difference that we have is just that the twists and stories have modernized. Obviously, I can’t do what tito Aga did, I can only try to do my best. Ang atake ko dito hindi ko pa po alam. I based it on my instincts. I’m still studying the character but definitely I’m looking forward to do every scene, every bit of it, savor every moment, and just play around with the character,” pagbabahagi ng binata.

Masayang-masaya rin si Arjo sa kanyang mga makakasama sa naturang serye. Inaasahang sa susunod na taon mapapanood sa Kapamilya Channel ang The Rebirth of the Cattleya Killer. “Hindi ko pa po pwedeng banggitin, nasorpresa rin ako sa cast. It’s such an interesting and wild cast for me. So this is going to be fun,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

 

Source link

Leave a Reply

Advertisements