Hunk actor na halos sa gym na nakatira, naglalaway sa kapwa hunk actor

UBOSCristy Fermin – Pilipino Star Ngayon

January 6, 2022 | 12:00am

Advertisements

Naku, totoo palang sa laki ng katawan ng isang hunk actor ay lalaki rin ang kanyang hanap, iniiwasan na pala siya ngayon ng mga katrabaho niya dahil nabuking na ang kanyang kadramahan.

Kahit sa hinagap lang ay walang mag-iisip na beking duck pala ang hunk actor na ito. Puwedeng panglaban sa Mr. Philippines ang malalaki niyang muscles, nagmumura ang kanyang mga abs, sino ang mag-aakalang lalaki rin pala ang kinalolokohan niya?

Kuwento ng aming source, “Naku, very deceiving ang hunk actor na ‘yun! Ang ganda-ganda ng katawan niya, parang sa gym na siya nakatira, pero isang male personality sa network nila ang nakadiskubre ng pagiging beki niya!

“Sinisilipan niya ang male personality! Kitang-kita siya habang pinagmamasdan ang naghuhumindig na armas nu’ng kasamahan niya!” bitin na kuwento ng aming impormante.

Heto na. Dahil huling-huli nga ng guwapong male personality ang kabekihan ng hunk actor ay nag-ingat na ito. Sa cubicle na dyumidyinggel ang male personality at hindi na sa ihian na pangmaramihan.

Patuloy ng aming source, “Ingat na ingat na ang male personality, siyempre, kaya kapag nandu’n ang hunk actor, sa cubicle na siya nagbabawas!

“Aba! Talagang ayaw siyang tantanan ng hunk actor, kitang-kita ng male personality na nakadu­ngaw sa cubicle ang hitod! Sinisilipan talaga siya!

“Para siyang unggoy na nakaukyabit sa tagiliran ng cubicle! Nakakaloka siya, type na type talaga niya ang guwapong male personality na bumibida sa isang seryeng hindi pa naipalalabas!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Bukelya na siya ngayon ng kanyang mga katrabaho, kumalat na nang kumalat ang kuwentong sa kabila ng kanyang mga abs at malalaking muscles ay baklita siya, kaya ilag na ilag na sa kanya ngayon ang mga kapwa niya artistang lalaki.

Sabi pa uli ng aming source, “Naku, ha? Madalas siyang maglabas ng mga video at picture niya habang nagdyi-gym! Makakalimutan niyang kumain, pero hindi ang pagbubuhat ng kung anu-anong mabibigat para lang gumanda ang katawan niya!

“Alam kaya ang family niya ang secret niya? Gustung-gusto na siyang magkaroon ng girlfriend ng mommy niya, di ba? Juice colored! Paano siya magkakaroon ng girlfriend, e, boyfriend ang hanap niya?

“May kapangalan siyang male personality, magkaiba lang ang spelling ng mga pangalan nila!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris, pinagdarasal na magkaroon ng milagro ang sakit!

May hinahanap ang publiko tungkol sa paghihiwalay nina Kris Aquino at da­ting DILG Secretary Mel Senen Sarmiento. ‘Yun ang tinatawag nilang “missing link” ngayon.

Inilabas ni Kris sa kanyang IG (may paalam man o wala) ang text sa kanya ni Mel, aminado ang pulitiko na nag-alala ito sa mga sinabi sa kanya ni Kris, ‘yun ang hinahanap ngayon ng mga sumusubaybay sa kanilang hiwalayan.

Nasaan ang text na ipinadala ni Kris kay Mel Sarmiento para magbigay ng ganu’ng sagot ang pulitiko? Reaksiyonaryo lang palagi ang kahit sino, nauuna ang aksiyon, kaya nasaan ‘yun? Bakit mukhang edited ang pagsisiwalat ng istorya ni Kris?

Opinyon ng isang tumawag sa amin, “Malay natin, baka du’n sinabi ni Kris ang mga dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay? Alangan namang sumagot si Mr. Mel sa wala?

“Baka sa text na ‘yun isa-isang sinabi ni Kris ang mga ayaw niya kay Mel nu’ng palagi na silang magkasama? Four months, enough na ‘yun para makilalang mabuti ni Kris ang boyfriend niya!” argumento ng aming kausap.

Maraming nalungkot sa balita ng hiwalayan pero ang bulto ng kalungkutan ng ating mga kababayan ay sa kasalukuyang estado ng katawan at sakit ni Kris.

‘Yun din ang una naming inintindi, hindi kami masyadong nag-alala sa natapos nilang relasyon ng pulitiko, una naming ipinanghingi ng dasal ang kalagayan ni Kris.

Sabi ng anak-anakan naming si Ching Bautista Silverio, “Nakakaawa si Kris. With all her money, she can’t do anything about her disease because there is no cure.”

Kay Kris nanggaling na puwede lang siyang gamutin, pero ang kanyang sakit ay wala nang lunas, hanggang puro remedyo lang.

Nagpadala pa ng mensahe sa amin si prop, “Money is not everything, good health is.” Nakakalungkot naman talaga. May mga milagro namang nagaganap. Paghimalaan sana si Kris. Matagpuan sana ang gamot na tuluyan nang magpapagaling sa kanyang dinaramdam.

Nakakabahala na ang pagbagsak ng kanyang timbang. May makain lang siya, maamoy o anumang dahilan ay bigla na lang namamaga ang kanyang mukha at katawan.

Sana nga ay sumentro kay Kris Aquino ang anumang milagrong maaaring bumagsak mula sa langit.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok