Iniyakan ang ginawa ni Alden…Betong, nakatanggal ng pandemic stress

SHOW-MYSalve Asis – Pilipino Star Ngayon

September 29, 2021 | 12:00am

Advertisements

Tanggal ang pandemic stress ng officers and members ng United Print Media Group (UPMG) – association of broadsheets, tabloids and magazines in the Philippines sa pangunguna ni UPMG Pres. Barbie Atienza of Manila Bulletin and VP Ms. Jay Sarmiento of PhilStar Media Group sa special appearance ni Betong Sumaya sa katatapos na UPMG general membership meeting. “Mabait at matyaga. Natuwa kami, nawala ang pandemic stress namin,” sabi ni Ms. Jay.

Kinantahan at inaliw daw talaga sila ni Betong na super duper touched sa ginawang pamamakyaw ni Alden Richards sa kanyang binebenta sa kanyang Facebook live selling. Nagulat nga raw si Betong nang biglang mag-pop up ang pangalang RJ Richards. ‘Yun pala si Alden na ‘yun na pinakyaw ang mga binebenta niyang pre-loved items na hindi na niya nagagamit.

Kaagad daw nagbayad si Alden ng P50K na akala niya pa sa umpisa ay bogus buyer lang kaya minahalan pa niya ang presyo.

Aminado si Betong na ginagawa niya ‘yun para pandagdag sa kanyang kinikita.

Bagong pambato ng bansa sa Miss Universe, makikilala na bukas

Magaganap na ang pinakahihintay na araw ng mga pageant fan dahil makikilala na ang bagong Miss Universe Philippines sa pagpapatuloy ng coronation night bukas, Setyembre 30 (Huwebes), na mapapanood ng ‘live’ sa pamamagitan ng streaming simula 7PM sa KTX.PH.

Bago ang inaabangang coronation night sa Henann Resort Convention Center sa Bohol, nagpakitang gilas na ang natitirang 28 kandidata sa iba’t ibang pageant activities na naganap noong nakaraang linggo.

Una na silang sumabak sa preliminary interviews noong Setyembre 24 (Biyernes) kung saan binigyan sila ng 30 segundo upang sagutin ang bawat isa sa limang katanungan. Samantala, nirampa naman nila ang kanilang mga pulang swimwear at magagarbong evening gowns noong Setyembre 26 (Linggo) sa Clark International Airport.

Maaari pang bumoto ang fans para sa paborito nilang kandidata hanggang ngayong araw (Miyerkules). Ang kandidata na may pinakamaraming boto ay pasok na agad sa Top 16.

Huwag na palampasin ang tsansa na unang mapanood ang coronation night sa Sept. 30 at bumili na ng tickets sa KTX.PH sa halagang P499.

 

Source link

Leave a Reply

Advertisements