‘Ito na ang pinakamahirap na nagawa ko’ – Dingdong

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

January 10, 2022 | 12:00am

Advertisements

Ngayong gabi na mapapanood ang pagbabalik ni 2020 Seoul International Drama Awards Asian Star Prize and Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa GMA Telebabad (8:50 p.m.) na sa unang pagkakataon ay gaganap ng dual role sa latest installment ng drama anthology ng GMA na I Can See You: AlterNate.

“Isa ito sa mga pinakamahirap na nagawa ko talaga. Hindi lang siguro sa trabaho ko bilang artista pero sa buhay din in general dahil ang daming elemento na kaakibat ng experience na ito. Isa na diyan, first time ko na maka-experience ng mahabang lock-in taping and be away from my family for 30 days,” said Dingdong who plays identical twins Nate and Michael.

“Plus, the fact na mahirap ‘yung role. Pero iyon din naman iyong hinihingi ko sa sarili ko kapag pumipili at nagko-commit ako sa isang bagay, ‘yung sana mas mahirap ‘to kaysa sa mga nagawa ko na in the past, in order to challenge myself as an actor. All other elements combined, ‘yung hirap na ‘yun nag-pay off naman. Lumabas kami sa taping bubble nang very fulfilled dahil we were able to tell a compelling story in the context of a very challen­ging time,” he added.

Kasama niya rito si Beauty Gonzalez as Sheila, Nate’s wife; seasoned actress Jackie Lou Blanco as Carmencita, Nate’s foster mother; versatile actress Joyce Ching as Angie, Michael’s younger sister; and acclaimed actor and director Ricky Davao as Lyndon, Nate’s foster father.

Idinirek ito ni Dominic Zapata. “This is the first time Dingdong and Beauty met and worked with each other. But since ganoon ‘yung acumen nila sa kanilang craft, kaya nilang magbatuhan ng linya on Zoom, tapos kapag in-person na they allow it to organically form habang nangyayari ‘yung eksena. It gets even better as the day progresses. Iyon ‘yung masarap panoorin. In fact, by the end of the lock-in, kahit ang hirap ng taping, nabitin ako. Kasi na-enjoy ko talaga. Hindi siya dumali in terms of the amount of work, but it’s just so enjoyable you forget na napapagod ka. If there’s a lot of joy and love, it shows in the work. Definitely, this is one of those projects where it’s evident,” ayon kay Direk Dom.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok