Jennylyn, binagayan ng pagbubuntis! | Pilipino Star Ngayon

TAKE IT TAKE IT!Lolit Solis – Pilipino Star Ngayon

December 29, 2021 | 12:00am

Advertisements

Ang ganda ni Jennylyn Mercado ngayon ha. Bagay sa kanya ang bago niyang hairdo, at maaliwalas ang mukha niya na parang ang happy na happy siya sa buhay.

Mukhang itong pagbubuntis niya ngayon ay magaan kaya ganun ang maganda niyang hitsura. Isa rin si Jennylyn Mercado sa mga star na medyo daring ang approach sa buhay niya, at nadadala ang mga pangyayari sa kanyang life nang hindi mabigat kaya naman madali siyang makabangon.

Tingnan mo na after ng una niyang pagbubuntis, nakabangon agad siya at lalo pa ngang sumikat.

Heto na naman siya sa second baby niya, at mukha namang hindi pa rin maaapektuhan ang kanyang career.

Have a healthy panganganak, Jennylyn, at bagay sa iyo iyang short haircut mo. Pretty mother to be, a good year ahead. Basta happy ka, iyan ang mahalaga sa buhay.

Vic at Pauleen, pang-family goal

Ang ganda-gandang tingnan ng pamilya nina Vic Sotto, Talitha at Pauleen Luna. Para bang ang saya-saya ng loob ng bahay nila lalo at ipinapakita ni Pauleen sa kanyang IG ang paglalaro ng mag-amang Vic at Talitha.

Parang ang suwerte ni Talitha na heto ang kanyang Daddy Vic na kanyang playmate. Ang laki talaga ng nagawa ng lockdown sa oras ng mga celebrity dahil hayun, halos sa bahay muna sila, at lucky ang mga tulad ni Talitha dahil heto at halos buong araw na kalaro si Daddy Bossing Vic.

At kung titingnan mo si Pauleen parang ang ganda-ganda niya ngayon at ang saya-saya.

Bongga ang family goal ng Sotto family nina Talitha at Pauleen. Parang dapat nang sundan si Talitha, para may kalaro, hah hah hah.

So happy to see them enjoying their time together.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok