Jennylyn excited kay Santa, fans atat sa kanyang pag-amin

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 11, 2021 | 12:00am

Advertisements

Kung si Santa Claus ang pinaghahandaan ni Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, ang big reveal naman nila ang hinihintay ng kanilang fans. Ito ay matapos siyang mag-post ng kanilang bagong setup na Christmas tree na green ang color motiff. “Getting ready for Santa’s arrival! Shoutout to @gideonhermosa for the wonderful Christmas decor!”

May ilang nag-congrats na kay Jennylyn dahil nga raw halata na sa nasabing post niya ang tummy niya.

Nakabitin ang taping nila ng Love. Die. Repeat. sa GMA dahil pinayuhan nga raw ang actress na mag-bed rest.

Maraming nanghihinayang dahil first project pa naman sana ito ni Xian Lim sa GMA na per project ang pinirmahang kontrata sa Kapuso network.

 

Source link

Leave a Reply

Advertisements