Kangks…, humahataw hanggang abroad! | Pilipino Star Ngayon

Jun Nardo – Pilipino Star Ngayon

January 9, 2022 | 12:00am

Advertisements

Aba, humahataw sa WeTV ang original series nitong The Kangks Show.

Enjoy na enjoy ang manonood sa kakikayan ng bidang si Angelica Panga­niban, huh! Eh hindi lang sa Pinas dumarami ang viewers nito kundi maging sa Indonesia, US, Canada at United Arab Emirates!

Sa success ng The Kangks Show, na-inspire lalo ang WeTV upang gumawa pa ng ibang shows lalo na ‘yung kikiliti sa imahinasyon ng manonood, huh!

So, knows mo na ang ibig sabihin ng Kangks, Salve A.? Ha! Ha! Ha!

(Ay nemen tito. Hehehe. – Salve)

Rob, napansin ang paghuhubad!

Gabi-gabi ay super trending ang bawat episode ng Kapuso series at Regal Entertainment collab na Mano Po: The Legacy Family Fortune.

Feel na feel ng netizens ang talakan nina Maricel Laxa at Sunshine Cruz. Eh magaan pa ang mga eksena ni Barbie Forteza pero hanga rin ang manonood sa kanya.

Pero ang isa sa cast na nagkaroon bigla ng instant followers ay si Rob Gomez! Lalo na sa eksenang hubad na nagwu-work out kasama si David Licauco na pinsan niya sa series.

Lalong magiging komplikado ang labanan nina Maricel at Sunshine sa pagpasok ng “legal” wife” na si Almira Muhlach!

Naku, movie made for TV ang pagkakagawa ng Mano Po Legacy dahil kahanga-hanga ang lahat ng aspeto ng production, huh!

Ngayon pa lang ay pina-plug na ng GMA ang bagong edition ng Mano Po Legacy, ang Her Big Boss.

Congratulations, Mother Lily and Roselle Monteverde!

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok