Karen Davila, magbabalik sa tv patrol!

Pilipino Star Ngayon

Advertisements

October 9, 2021 | 12:00am

Magbabalik ang multi-awar­ded broadcast journalist na si Karen Davila bilang isa sa mga anchor ng TV Patrol simula Lunes (Oktubre 11).

Sina Karen at ang kapwa batikang news anchors na sina Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano-Aguinaldo na ang mangunguna sa flagship newscast ng ABS-CBN na 34 taon nang nag­lilingkod at naghahatid ng balita at impormasyong mahalaga sa bawat Pilipino lalo na sa kritikal na panahon ngayon.

Unang naging bahagi ng newscast si Karen noong 2004 hanggang 2010. Kabilang din dati ang kasalukuyang anchor ng Headstart sa ANC sa late night newscast ng ABS-CBN na Bandila bago ang broadcast shutdown noong 2020.

Samantala, ang senior reporter na si Pia Gutierrez naman ang bagong makakasama ni Tony Velasquez sa The World Tonight kapalit ni Karen simula rin sa Lunes (Oktubre 11).

Bahagi si Pia ng Malacañang Press Corps at nagbabalita tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Nagsimula siya sa regional station ng ABS-CBN sa Baguio noong 2006 bago pumasok sa ABS-CBN News and Current Affairs noong 2010.

Manood ng TV Patrol tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m. sa ANC at TeleRadyo sa cable at satellite TV, overseas via TFC, at online sa ABS-CBN News YouTube Channel, news.abs-cbn.com, o makinig sa audio streaming sa ABS-CBN Radio Service App.

Habang ang The World Tonight nina Tony Velasquez at Pia Gutierrez tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9 p.m. sa ANC at 10:40 p.m.

Nagpaalam na nung isang gabi sa TV Patrol si Noli de Castro para kumandidatong senador sa 2022.

Source link

Leave a Reply

Advertisements