Kathniel fans, tuloy ang panunumbat kay Karla

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

October 11, 2021 | 12:00am

Advertisements

Nag-trending nung Sabado ng gabi ang hashtag na #YakapKathNiels dahil sa isyu pa ring pagtakbo ni Karla Estrada sa darating na eleksyon.

Nag-file si Karla bilang 3rd nominee sa Tingog Partylist na binubuo ito ng mga Waray. Si Karla ay taga-Tacloban at naging active   sa ilang gawain sa Tacloban, kagaya nung pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Ang Tingog Partylist na pinangunahan ni Cong. Yedda Romualdez ang isa sa pumabor sa ABS-CBN shutdown.

Sabi naman ni Karla nang nakapanayam ito ng TV Patrol, maayos daw siyang nagpaalam sa bosses at pinayagan naman daw siya. Kapag palaring mahalal daw siya sa Kongreso, bukas daw siya sa posibilidad na pag-usapan ang prangkisa ng Kapamilya network.

“Ang pagpasok ko rito ay ang hangarin at layunin ko ay alam yan lahat ng aking mga kapamilya dahil ako ay Kapamilya forever,” sabi pa ng singer/actress at host ng Magandang Buhay.

Pero tahimik pa rin si Daniel kaugnay dito.

Naging vocal ang KathNiel fans sa kanilang saloobin at may inilabas pa ang isang grupo ng KathNiel fans ng open letter para kina Daniel at Kathryn Bernardo.

Ipinahayag nila ang kanilang suporta kina Daniel at Kathryn nung ipinaglalaban ang press freedom, sanhi nang pagkasara ng ABS-CBN 2.

Nung nag-take oath daw ang magulang ni Daniel sa partylist na isa sa nagpasara sa ABS-CBN, iniintindi pa rin daw nilang karapatan ng bawat isa ang tumakbo para sa isang government seat. Pero itong desisyon ng magulang ng aktor ay taliwas daw sa ipinaglalaban ng KathNiel followers.

Bahagi pa ng kanilang open letter; “Ms. Karla Estrada has signer with Tingog Partylist because she believes that she can change their stand re: ABS-CBN franchise. We think differently, if you fight for the right, you will never team up with people who once practiced oppression.

“Also, it was revealed that the admins of the Instagram pages of KathNiel were told to report the campaign, ‘teaser’ of Ms. Karla Estrada. They are not aware that the image is a sign of her candidacy and it is against their own political stand. We are calling out Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to take themselves out of this, to take a stand and never allow their names to be involved on someone’s political gains that they don’t support and against their beliefs.”

Ganun sila ka-involve sa ipinaglalaban nila, at ipinadama ang kanilang pagkadismaya sa ginawa ni Karla.

Raffy, nag-comment sa pag-atras ni willie

Sina Willie Revillame at Raffy Tulfo ang matunog na pangalan sa showbiz na papasok sa pulitika at tatakbong senador sa 2022 Elections.

Pero si Idol Raffy ang tumuloy at nagbigay ng pahayag si Willie na wala siyang alam sa batas, at baka panlalait lang ang abutin niya.

Maipagpatuloy naman daw niya ang pagtulong sa kanyang programang Wowowin, kahit hindi siya tumakbo.

Kaya hiningan namin ng komento si Raffy tungkol sa desisyong ito ni Willie.

Hindi naman daw niya alam kung ano talaga ang tunay na dahilan, pero nakikita naman daw niya ang tapat na pagpapaabot ni Willie ng tulong sa ating mamamayan. “Ang pagkakaalam ko isa rin siyang matulunging tao tulad ko,” pakli ni Raffy nang humaharap ito silang miyembro ng movie press nung nakaraang Sabado ng gabi.

“Malapit din ang puso niya sa mahihirap nating kababayan. Mataas ang pagrespeto sa kanya ng mga naghihikahos nating kababayan.

“Ako rin mismo nakita ko ang kanyang career kung paano siya umakyat mula sa napakababang simpleng tao hanggang sa naging bilyonaryo at sikat na celebrity dahil sa kanyang pagkakaroon ng ginintuang puso sa pagtulong sa maliliit nating kababayan,” dagdag niyang pahayag.

Pero para kay Raffy, kaya raw niya pinasok na ang pulitika para mas ma-address daw niya mabuti ang problema sa mga tinutulungan niyang mga mamamayan natin lalo na ang mga manggagawa na inaagrabyado ng kanilang amo.

Sa tingin daw niya, kapag nasa gobyerno na siya at mas mabibigyan niya ng tamang solusyon dahil limitado lang naman daw ang makakaya niyang tulong kung isa siyang private citizen.

Source link

Leave a Reply

Advertisements