KC, never nagkaroon ng privacy

Lolit Solis – Pilipino Star Ngayon

October 7, 2021 | 12:00am

Advertisements

Parang I feel sad for KC Concepcion. Parang dahil naging anak siya nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, kahit hindi pa nga siya active showbiz person lagi pa rin siyang laman ng mga balita.

By association dahil sa parents niya, wala pa rin siyang privacy. Lahat pa rin ng galaw niya gusto ng publiko na isali sa opinyon.

Since her birth hanggang ngayon, bawat galaw niya nababalita, hindi maitago. Kaya halos wala ring makalapit sa kanya dahil intimidated. ‘Yung mga lalaki, takot ding mapunta sa limelight, kaya siguro umiiwas din.

Mabuti na lang at sa abroad nag-aral si KC, tahimik na nakatapos ng college. At dahil self made woman of substance kaya very independent. Lagi siyang kinukumpara sa ibang kapatid. Bawat kilos binabantayan.

Well, iyon siguro ang price to pay for having very popular parents. Pero I think unfair for KC dahil may sarili siyang buhay, meron siyang sariling pagkatao.

Good na lumaki siyang firm and head on her shoulder, at kinakaya ang lahat ng journey na pinapasok niya.

Fighting KC. Wishing you happiness and peace of mind. You are one daughter any parent will be proud of. Fighting KC. Stand tall.

Cong. Niña at Alfred, parehong organisado

Parehong October ang birthday nina Cong. Niña Taduran at Cong. Alfred Vargas. Siguro ‘pag ipinanganak ka ng October talagang very friendly ka at organized. Kasi iyan pareho ang katangian nina Cong. Alfred at Niña, lapitin sila sa tao at lahat ng gawin nila organisado.

Imagine na ang husay nila sa time management, iyon bang kahit gaano karami ang ginagawa nila, hayun at nagagampanan nilang lahat.

Malaking plus factor si Cong. Niña sa partylist na sinalihan niyang ACT-CIS. Kasi sa rami nang nagawa niyang trabaho sa Congress, maipagmamalaki siya ng partylist na nagbigay ng break sa kanya.

Fast worker si Cong. Niña, kaya achiever siya. Si Alfred naman, nagpakita talaga ng brilliance sa kanyang pagpasok sa Congress. Kaya naman three times siyang pinagtiwalaan ng kanyang distrito. Kasi nga nakita kung paano niya ginawa ang kanyang trabaho. Both of them talagang nagpakitang gilas. Pride sila ng partido nila at ng mga tao na nagtiwala sa kanila.

Happy happy birthday, Alfred Vargas and Niña Taduran. May you always be safe, happy and strong to face the work ahead. We love you.

Source link

Leave a Reply

Advertisements