Kinoronahang Miss Universe Philippines, lantad ang relasyon sa miyembro ng third sex

ISYU AT BANAT!Ed de Leon – Pilipino Star Ngayon

October 2, 2021 | 12:00am

Advertisements

Tuwang-tuwa ang mga ‘galak’ dahil for the first time mayroong isang ‘galak’ na naging Miss Philippines Universe, si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu. Napili na siya at kinoronahan noong isang gabi, pero sa Linggo ng umaga lang mapapanood ang sinasabi nilang “live telecast ng pageant.”

Hindi namin napanood, wala kaming tiyagang manood sa internet, pero sabi ng mga kaibigan naming nakapanood hindi raw maganda ang presentation ng pageant, kaya nga siguro ang ilang nakapanood panay ang sabing ibalik na kay Stella Marquez Araneta ang pa­geant na ‘yan. Nasanay kasi tayo sa mga bonggang presentation ng beauty pageant na pinangungunahan ng mga Araneta noon eh.

Pero may dahilan para magdiwang ang mga ‘galak’ dahil sa simula’t simula pa naman ay inamin ni Beatrice na siya ay LGBTQ plus plus. In fact sinabi rin niyang anim na taon na ang kanilang relasyon ng DJ na si Kate Jagdon na sikat bilang DJ sa Cebu at sinasabing mas sumikat pa ngayon dahil syota nga siya ng Miss Universe Philippines na si Beatrice Gomez.

Ang term of endearment pala nila ay “Babs” na lumabas sa kanilang social media posts.

Hindi lang naman sa Pilipinas ang ganyan, kung si Beatrice man ay galak, at least babae siya. Noon nga ang Spain nagsali ng transwo­man, ibig sabihin isang “lalaking operada” at iyon naman ay tinanggap ng Miss Universe.

Samantala, ‘yung todo buga ng publicity na sumali sa Miss Philippines Universe, na si Kis­ses Delavin ay nakaabot naman sa top 10, at saka napili raw namang Miss Lazada. Pero bago ang pageant aba wala kang maririnig na ibang kasali maliban kay Delavin na akala nga namin baka siyang mananalo, “dili win” pala.

Pagkatapos na manalo si Beatrice, inulan din ng congratulatory messages ang kanyang syotang si Kate sa social media. Open sa lahat ang kanilang relasyon. Halata mo namang happy and proud rin si Kate sa kanyang syota, at saka additional “macho points” iyon sa kanya.

Isipin mong ang syota mo Miss Philippines Universe, aba marami ka nang tinalong macho noon. At saka siyempre isipin mo first time na ang isang galak naging Miss Philippines PM?

Ang hihintayin natin ay ang kalalabasan ng Miss Universe sa December. Si Beatrice rin kaya ang kauna-unahang galak na magiging Miss Universe?

Coco at Julia, hindi na tinatagong magkasama sa bahay?!

Wala na nga sigurong iniiwasan sina Coco Martin at Julia Montes sa tunay nilang relasyon. Sabay silang nagparehistro para makaboto sa 2022. Sabay din sila nang magpabakuna laban sa COVID. Marami tuloy ang nagsasabing “baka totoo ngang nagsasama na sila. Isang bahay lamang ang kanilang pinanggalingan kaya magkasama sila kahit na umaga pa lang.”

Noong araw kasi walang naging leading lady si Coco na nakakasama niya maging sa kanyang mga pribadong lakad, at saka ngayon hindi lamang si Julia ang kinuha niya para sa anim na taon nang Ang Probinsyano, kundi leading lady rin sa isang pelikulang ginawa ni Brillante Mendoza, na hindi lamang leading man undi isa sa produ­cers din, at ang dahilan “para madali na lang ang usapan.” Mukhang lahat kumukumpirma na sa kanilang matagal nang nakatagong relasyon.

Sexy male star, nauudlot ang pagsikat dahil sa baklang aktor

Pogi naman talaga, at napaka-sexy ng male star. Hindi nga lang siya mabigyan-bigyan ng isang magandang break pero ang totoo marami na siyang fans, lalo na nga nang mag-endorse siya ng isang underwear brand.

Siguro ang nakakaharang nga ng breaks niya ay ang tsismis tungkol sa kanyang relasyon sa isang mas sikat na gay male star, na sinasabing baliw na baliw at nakasuporta naman sa kanya.

Ang kuwento na hindi niya alam, ang kaibigan pala niyang gay male star na akala niya ay tumutulong sa kanya ang dahilan kung bakit nauudlot ang breaks niya. Kasi natatakot daw ang sikat na gay male star na kung sisikat na rin siya, matatapos naman ang kanilang relasyon.

Sa ngayon daw sinasabi ng sikat na gay male star na hindi pa siya handang mawala sa kanya ang pogi at machong male star dahil basta raw sa mga kaibigan niya, sinasabi ng bading na ang pogi at machong star nga ang “fulfillment of my dreams.”

Source link

Leave a Reply

Advertisements