Kinoronahang Miss World Ph 2021, dalawang beses natumba sa stage!

SHOWBIZ GANERN!Gorgy Rula – Pilipino Star Ngayon

October 5, 2021 | 12:00am

Advertisements

Grabe ang mga komentong nababasa namin sa katatapos lang na Miss World-Philippines 2021 na ginananap sa Subic Bay Convention and Exhibition Center noong nakaraang Linggo ng gabi.

Nagsimula ito ng Linggo ng gabi pero Lunes na ng madaling araw na-announce ang winner.

Kaya nakikitang pagod na pagod na ang mga kandidata, at hindi kinaya ng kinoronahang Miss World-Philippines 2021, natumba na ito sa stage sa kanyang first walk pagkatapos kinoronahan.

Natutukan ko rin ito sa kanilang live streaming, pero hindi ko na kinaya. Nakatulog na ako bago in-announce ang winners.

Bentang-benta nga raw ang Pacquiao Kape nung gabing ‘yun.

Nakuha ng Cebuanang si Tracy Maureen Perez ang titulong Miss World-Philippines 2021 at lalaban siya sa Miss World sa darating na December na gaganapin sa Puerto Rico.

Deserving naman siya sa title, pero hindi na rin kinaya ng katawang lupa niya, nahulog na ito sa stage bago pa ang announcement ng winners at nung kinoronahan na siya at ang first walak, natumba na naman siya.

Hindi ko ma-imagine kung gaano na sila kapagod sa halos anim na oras na nakatayo at hindi pa siguro ‘yan sila nakapag-dinner, dagdag pa ang stress sa competition.

Magaling sumagot ang karamihang candidates, kahit nahaluan pa ng pulitika ang ilang tanong.

Pero kapansin-pansin ang ‘di pagpasok ng kandidata ng Mandaluyong na si Joy Barcoma sa top 15.

Siya ang ginawaran ng Beauty With A Purpose na ‘yun naman talaga ang Miss World-Philippines, pero nalaglag na siya sa top 15.

May kinalaman kaya sa ilang isyu niya noon sa naturang kumpetisyon?

As of presstime ay hindi pa nasagot ni Joy ang text ko.

Susubukan namin siyang mahingan ng pahayag kaugnay dito, at malamang marami pang kaganapan sa naturang beauty pageant.

Beks Battalion, walang inggitan

Bentang-benta ang mga patawa ng Beks Battalion na sina Lassy Marquez, MC Muah, at Chad Kinis sa pelikulang Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

Sila ang nagdala sa pelikula, at na-enjoy ko naman lalo na’t na-capture ni direk Darryl Yap ang ganda ng Siquijor.

Lalong gumuwapo si Marco Gallo sa pelikulang ‘yun at hunk na nga ang dating. Pero mas kinaaliwan ang tatlong beki na nagdala ng pelikula.

Nakatsikahan namin si Lassy sa radio program namin sa DZRH at nagpapasalamat nga siya dahil tuluy-tuloy ang trabaho nila sa Viva, at lalong dumami ang supporters nila.

Sabi pa ni Lassy, matapos lang daw ang pandemyang ito, magpapa-meet and greet daw sila para personal na pasalamatan ang supporters nila.

Bukod sa Manananggal na Nahahati ang Puso na nagna-number one trending sa Vivamax, may isa pang pelikula si Lassy, ang Sarap Mong Patayin kasama naman niya rito sina Kit Thompson at Ariella Arida.

Pero pinaghahandaan din daw nila ang digital concert nilang Beksinated na mag-streaming sa Viva Live at KTX.Ph sa October 30.

Siyempre, si Vice Ganda ang isa sa special guests nila na malaki ang naitulong sa kanilang showbiz career.

Sa amin pang tsikahan kay Lassy, ibinahagi niya na lalong naging solid ang pagkakaibigan nilang Beks Battalion.

Kaagad daw nilang napapag-usapan ang problema kung meron mang tampuhan o away sa kanila.

Pero never daw nila pinag-aawayan ang pera, para hindi mawala ang tiwala sa isa’t-isa.

Hindi rin daw nila pinag-aawayan ang lalaki dahil magkakaiba sila ng tipo.

Pagdating sa kaibigan ay talagang tulungan daw sila.

Nabanggit din nga si Yen Santos na naging kaibigan din ni Lassy dahil sa nagkasama sila sa pelikulang Two Love You. Wala lang daw silang communication lately, pero talagang magkaibigan lang daw sila.

Pero pagdating sa personal na issue ng aktres ay ayaw na raw pakialaman ito ni Lassy.

 

Source link

Leave a Reply

Advertisements