La Greta, lutang kahit ‘di aktibo sa showbiz

Jun Nardo – Pilipino Star Ngayon

October 2, 2021 | 12:00am

Advertisements

Dapat saluduhan ang kabutihang loob ni Gretchen Barretto. Kahit hindi na siya aktibo sa showbiz, lumutang siya sa panahon ng pandemic upang tumulong!

As we all know, namigay ng love boxes na puno ng groceries at bigas si Gretchen sa movie press, showbiz personalities at iba pa with the help of former actress Ana Abiera and writer Frances Simeon.

Pero hindi sa pamimigay nagtapos ang kabutihan ni La Greta. This time, pinili niya ang onine show ng Pilipino Star NGAYON / Pang Masa na Take It… Per Minute Me Ganun upang mas marami pang mabigyan ng tulong, huh!

Una, bigas ang ipinamigay sa viewers ng show nina Manay Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu. Take note, weekly ang pamimigay niya sa masu­werteng viewer!

At nagdagdag pa ng pamigay na wheel chairs si Gretchen, huh!

Kaya naman huwag magtaka dahil hindi lang pang-showbiz ang TIPMMG kundi public service na rin!

Sa ginawa ni La Greta, naalala namin sina Rosal Rosal, Toni Rose Gayda at Orly Mercado sa program na Kapwa Ko, Mahal Ko!

Sa mangyayari sa TIPMMG, sina Manay, Cristy at Mr. Fu na ang bagong henerasyon nina Tita Rose, Toni Rose at Mr. Fu, huh!

Bongga talaga ang TIPMMG at si Gtetchen! Salute!

Source link

Leave a Reply

Advertisements