Luis at Cherry Pie, nagkita na!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

January 7, 2022 | 12:00am

Advertisements

Nagbabalik-telebisyon ang paboritong mystery game show ng bansa na I Can See Your Voice at ng batikang host na si Luis Manzano kasama ang mas pinakwelang grupo ng investigators na magbibigay aliw at clues sa dara­ting na Sabado (Enero 8).

Sa darating na weekend, unang sasabak sa hulaan ang mag-amang sina Janine at Monching Gutierrez sa pagkilatis kung sino ang see-nger at seen-tunado sa mga see-cret songer.

Samantala sa Linggo (Enero 9) masusubukan naman ang galing sa pag­hula nina Cherry Pie Picache at Vina Morales. Ito ang unang beses na nagkita sina Luis at Cherry Pie matapos kinumpirma ni Edu Manzano ang kanyang relasyon sa Marry Me, Marry You star.

Tutulungan naman sila ng nagbabalik na singvestigators na sina Negi, Nikko Natividad at mga bago nitong makakasama na sina Lassy, MC, at Klarisse de Guzman sa kanilang panghuhula sa tatlong rounds na Lipsync, Two or False at ang huli nitong round na magbibigay ng iba’t ibang clues na Tabi-Tabi Po, Song Ka Pa, at Message Parlor.

Maaari naman maging home singvestigators ang home viewers ngayong season at maaaring manalo ng cash prize sa programa.

Dapat lang nila mahulaan kung see-nger or seen-tunado ang secret songer na pipiliin ng guest star. Pwede silang magcomment ng kanilang mga hula sa Facebook page ng I Can See Your Voice o mag­tweet kasama ng hashtag ng show sa Twitter.

Viral scandal, number 1 sa WeTV

Naganap na ang pinakakinatatakutang mangyari ni Rica (Charlie Dizon) matapos siyang pahiyain ni Raven (Kaila Estrada) sa buong Balai Arkitektura at sabihin ang tungkol sa kanyang viral video nitong Miyerkules sa Viral Scandal na nag-top sa Hot list ng WeTV iflix.

Pinaratangan ni Raven si Rica na isa itong sinungaling matapos daw ipakalat na rapist ang kanyang pinsan na si Jigs (Markus Paterson). Hindi naman nanahimik si Rica at ipinaglaban niyang totoong na-rape siya ng lalaki ngunit nang makita ang mukha ng kanyang mga katrabaho ay natakot siya at pinili na lang takbuhan ang mga ito.

Dahil sa nangyari, nahimatay si Rica nang makarating sa kanilang bahay habang ipinaliliwanag kay Kakay (Dimples Romana) ang nangyari.

Samantala, huwag naman palampasin ang pag-release ng original song nina Karina Bautista at Aljon Mendoza Kulit ng Pag-ibig sa lahat ng strea­ming platforms ngayong Enero sa produksyon ng Star Music.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok