Luis, hindi inakalang magkaka-dyowa pa ang kanyang Daddy Edu

SHOWBIZ NEW NOW NA!Boy Abunda – Pilipino Star Ngayon

December 3, 2021 | 12:00am

Advertisements

Maraming mga larawan nina Cherry Pie Picache at Edu Manzano ang makikita ngayon sa social media. Kamakailan ay nakumpirmang magkarelasyon na umano ang dalawa. Ilang buwan nang magkatrabaho ngayon sina Cherry Pie at Edu para sa teleseryeng Marry Me, Marry You na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Hindi raw inakala ni Luis Manzano na magkakaroong muli ng kasintahan ang kanyang ama. “We’re hoping and praying na kung maibabalik ang prangkisa ng ABS-CBN next year, baka si Daddy at Tita Pie itapat sa Kath-Niel. Sobrang we were caught off guard. No one saw it coming. I don’t even think Dad and Tita Pie saw it coming,” nakangiting bungad ni Luis.

Paano ba nalaman ng aktor ang tungkol sa tunay na namamagitan kina Edu at Cherry Pie? “A friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy! Daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy,’” kwento niya.

Para kay Luis ay talagang nakikita niyang responsable at mapagmahal na nobyo ang ama sa tuwing may karelasyon ang batikang aktor. “It would boil down to the same thing, kung paano niya nirerespeto ang kanyang kasama. That’s one thing na nakikita ko kay Daddy. How he takes care of his partner talaga nakikita ko rin naman how happy he is with Tita Pie,” pagtatapos ni Luis.

Maris, nakumbinsi ni Rico sa Disney project

Masayang-masaya si Maris Racal dahil sa pagkakapili sa kanya upang kantahin ang Simulan na Filipino version ng Starting Now para sa Disney’s Ultimate Princess Celebration. Ayon sa actress-singer ay ang kasintahang si Rico Blanco ang humikayat sa kanyang tanggapin ang naturang proyekto. “Super excited siya. He was the one who broke the news to me na ako ‘yung kakanta for Disney. Siyempre siya po ‘yung manager ng (record) label. So siya po ‘yung kinontact. He just really said na, ‘Oh my God, kunin mo na ‘to. Ayusin mo ‘yung schedule mo para ma-fit ‘to.’ He’s been very, very supportive,” kwento ni Maris.

Isang malaking karangalan sa dalaga na mahirang upang kumanta para sa Disney. Hanggang ngayon ay halos hindi makapaniwala si Maris na natupad na ang pinapangarap lamang niya noon. “Hindi po ako makapaniwala. talagang as in sobrang, ‘Talaga ba? Ako? ‘Yon ‘yung reaction ko. ‘Yon ‘yung exact reaction ko. ‘Seryoso ba?’ Parang medyo na-presure nga ako mag-yes pero nag-yes talaga ako. Kasi it’s such a huge opportunity at dream ko talaga sila maka-work,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok