Mababagal mag-isip, hindi na uso!

TAKE IT TAKE ITLolit Solis – Pilipino Star Ngayon

September 30, 2021 | 12:00am

Advertisements

May line sa isang Koreanovela na talagang tumatak sa isip ko. Iyon ‘do not cry about the past, it’s gone, don’t always think of tomorrow, it is not here yet, just live for today because it will shape your future and we always live for the present.’  Totoo iyon, kasi nga pag past, lumipas na, hindi na babalik. Pag sa future naman, hindi mo nga alam kung died ka na today, so why worry about it?

Mabuhay lang tayo sa mga nagaganap ngayon, tingnan natin kung ano ang na-achieve natin para sa sarili natin today, dahil ito ang importante. Kung ano ang resulta ng buhay mo ngayon, dun karugtong iyon magiging buhay mo bukas.

Kaya make the most out of it today, hindi ‘yung nakaraan o darating pa lang. Lalo ngayon na parang lahat na nangyayari in a snap of the fingers, dapat maging madali ang desisyon, maayos ang path na lalakaran para sa journey mo.

Hindi na uso iyon matagal mag-isip kung ano ang gagawin, dapat fast, action agad. Kaya nga kitang-kita mo iyon mga pa-easy easy lang, dahil ngayon sa pandemic hindi puwede ang pogi points lang, dapat merong resulta.

Jennylyn, matibay ang mga desisyon

Si Jennylyn Mercado pala iyon blind item Salve sa TIPMMG na magpapakasal at nasa interesting stage daw.

Well, sa lagay na iyan, hanga ako kay Jennylyn dahil nagawa niya rin panindigan noong una ang pagiging mother sa naging anak nila ni Patrick Garcia.

Actually nga ang suwerte ni Jennylyn kasi after giving birth lalo pa siyang sumikat at kinilala ang pagiging isang mahusay na actress.

Matibay ang loob niya, buo ang pagharap sa problema. Sayang nga at wala na si Mommy Lydia sa tabi niya na laging nakagabay sa kanya.

Itong bagong kabanata sa buhay ni Jennylyn kung totoong nagdadalang-tao siya, sure ako na kayang-kaya niyang harapin. Kaya niyang panindigan.

Suwerte rin ang mga nagiging anak niya dahil matibay ang commitment niya bilang mother nila. Sana nga, kung totoong pakakasal sila ni Dennis Trillo, maging lasting at forever ang marriage nila. Jennylyn for me is one woman worthy of love, dahil alam niyang harapin ang responsibilidad na pinasok niya.

Source link

Leave a Reply

Advertisements