Maine, suportado si Arjo sa pagtakbo sa kongreso!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

October 9, 2021 | 12:00am

Advertisements

Karla sinusumbatan ng KathNiel fans, pinaaatras sa kandidatura; Robin, humabol sa pagse-senador

“Grateful ako at very supportive si Maine,” pahayag ni Arjo Atayde sa kanyang short message nang tanungin kung gaano ka-supportive ang girlfriend niyang si Maine Mendoza sa decision niyang kumandidato for congressional seat sa District 1 ng Quezon City.

Kahapon nga ay nag-file ng certificate of candidacy si Arjo kasama si Mayor Joy Belmonte at ang mga magulang niyang sina Art Atayde and Sylvia Sanchez.

Political debut ito ni Arjo kaya maging ang sister niyang si Ria ay super excited para sa kapatid na gumawa ng difference sa kanyang pagpasok sa public service.

Samantala, kasama naman sa nag-file ng certificate of candidacy for senator kahapon si Robin Padilla.

Obviously, napilit siya unlike Willie Revillame na mas pinili ang kanyang trabaho sa Wowowin. Ganundin si Cong. Vilma Santos na sumibat na rin sa pulitika.

Humabol din sa last day ng filing ng COC sina Nora Aunor at Karla Estrada na kakandidato para sa Partylist.

Sa Partylist din nag-file si Mocha Uson at ang dating beauty queen na si Shamcey Supsup at beauty queen / volleybal player na si Michelle Gumabao para sa ARTE Partylist.

Pero hindi pabor ang fans nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sa naging decision ni Karla na sumali ito sa pulitika. Pinaaatras nila ito at pina-trend ang #WithdrawKarlaEstrada.

Galit ang fans dahil daw ang Tingog Party­list na third nominee si Karla ay kasama sa mga pumabor noon para hindi mabigyan ng franchise ang ABS-CBN.

“The KATHNIEL loveteam were taking efforts in rallying and campaigning for press freedom and the jobs of 11,000 people in the time of pandemic and now Karla Estrada is with TINGOG PARTYLIST who agreed with ABS shutdown. HIRAP TALAGA MAGPALAKI NG MAGULANG! #WithdrawKarlaEstrada,” tweet ng isang KathNiel fanatic.

Ang Tingog ni Representative Yedda Romualdez ay kasama sa mga pumabor sa pagpatay sa renewal ng franchise ng ABS-CBN noong nakaraang taon.

Sumbat naman ng ibang fans malabo ring manalo si Karla dahil wala raw ngang nagawa ang KathNiel nang ikampanya ang ex-husband ni Karla na si Rommel Padilla sa Nueva Ecija at nang ikampanya nila for former senator Mar Roxas na kumandidato noon sa pagkapangulo na kung saan diumano ang laki ng talent fee ng magka-loveteam.

Anyway, aside from Robin, nag-file rin ng candidacy for senate ang inactive actor na open sa pagiging bakla na si Joed Serrano.

So abangan ang rambulan sa 2022.

Maria Ressa, tatanggap ng nobel peace prize

Wow, breaking news kahapon ang announcement The Nobel Prize na kasama sa tatanggap ang Pinoy journalist na si Maria Ressa at Russian journalist na si Dmitry Muratov. “The Norwegian Nobel Committee has decided to award the 2021 Nobel Peace Prize to Maria Ressa and Dmitry Muratov for their efforts to safeguard freedom of expression, which is a precondition for democracy and lasting peace.”

Nagbunyi ang maraming Pinoy sa karangalang ito para sa matapang na journalist.

Source link

Leave a Reply

Advertisements