Marian, hindi na uli aalis ng bansa!

Jun Nardo – Pilipino Star Ngayon

December 30, 2021 | 12:00am

Advertisements

Bukas ang isipan ni Marian Rivera na makatrabaho ang international actors gaya ng isang Thai actor na nagpahayag na gusto niyang makatrabaho si Yan.

“Why not? Ang tanong ay kailan? Hindi ko na ka­yang iwanan ang mga anak ko ngayon,” saad ni Marian sa interview sa kanya ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Si Marian ang napili ng Thai actor hindi dahil naging judge siya sa nakaraang Miss Universe kundi dahil napanood na niya ang ilang shows nito.

Malamang na matagal na uli bago umalis ng bansa si Yan para magtrabaho. Priority niya ang kanyang pamilya na recently ay nag-bonding sila sa beach.

Tonta, magpapasaya

Ilalantad sa comedy film na The Women of TONTA Club ang maghamon, pagkakaibigan at katawa-tawang mundo ng women’s civic groups na streaming sa KTX at Upstream PH simula ngayong araw na ito, Dec. 30, mula sa direksyon ni Xion Lim.

Bida sa movie sina Nova Villa, Tetchie Agabayani at Tina Paner na members ng fictitious women’s organization na The One N True Alliance or TONTA.

Ayon ng executive producer na si Rossana Hwang, “I was inspired to make this film because I know personally of member of women’s groups and I am aware of how hard they work to help the less fortunate in spite of the struggles they go through.

“Many times they are not recognized for their efforts,” saad ni Hwang na naging co-writer ng movie with Norman Boquiren.

Regalo rin ng producer ang movie dahil worldwide ang streaming nito. “I want the movie to bring laughter even for a moment to the people,” rason pa ng producer.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok