Marian, kumpirmado sa Miss Universe?!

SHOW-MYSalve V. Asis – Pilipino Star Ngayon

December 2, 2021 | 12:00am

Advertisements

Walang sagot ang management team ni Marian Rivera, ang Triple A, kung magiging judge nga siya sa Miss Universe 2021.

Pero nag-post si Marian ng pictorial na may caption na “Honored. (crown) #Grateful.”

At ang comment si Dingdong ng “Miss u…”

Kaya naman ang daming nag-commit na talagang manonood sila ng coronation ng Miss Universe pero ‘yun nga lang sa Kapamilya channel ito mapapanood.

Bongga ni Marian ha. Imagine Miss Universe ang level niya.

Anyway, wala namang update kung nakalipad na si Marian sa Israel.

May lumabas na ring press statement ng announcement ni Miss Universe Organization President Paula Shugart, anim na judges pa makakasama ni Marian sa 2021 Miss Universe na gaganapin sa Eliat, Israel.

Aside from Kapamilya channel mapapanood din ito sa Fox Channel at magiging host sina Steve Harvey at Ashley Graham sa Dec. 13.

Actually, ang ganda ni Marian ni inilabas niyang pictorial, parang siya actually ang kandidata.

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok