Marian, pinuno ng stuffed toy ang bahay para kay Zia

Pilipino Star Ngayon

Advertisements

November 30, 2021 | 12:00am

MANILA, Philippines — Tinambakan ni Marian Rivera ang buong bahay nila ng stuffed toy na Teddy bear, dried flo­wers at balloons sa 6th birthday party ng panganay niyang si Zia Dantes nitong nakaraang mga araw.

Last Nov. 23 ang 6th birthday ni Zia. Pinili ni Yan ng teddy bear ang tema nito. Nagawa niya ang selebrasyon dahil sa tulong nga mga kaibigang nasa events industry.

Wala sa party si Dingdong Dantes dahil nasa lock-in taping ng bagong GMA show. Siyempre, nandoon naman ang kapatid ni Zia na si Sixto.

Lutang na lutang ang kulay pink at brown sa party ni Zia. Gaya ng may kaarawan, may birthday wish din si Zia habang nagbu-blow ng cake, huh!

Basta para sa kaligayahan ng mga anak, lahat ay handang gawin ni Marian!

AiAi, nagpaalam na pa-Amerika!

Pansamantala lang pala ang pananatili ni AiAi delas Alas sa Amerika. Sa Los Angeles, California ang destinasyon niya.

Nagpaalam na si Ai sa kanyang followers sa Instagram. Pangako niya, babalik pa rin siya sa bansa.

Tapos na marahil ang commitment ni Ai sa GMA singing competition na The Clash kung saan isa siya sa judges.

Nasa US na rin kasi ang asawa niyang si Gerald Sibayan at green card holder din siya na requirement ang pagtungo sa US. (JUN NARDO)

Source link

Please follow and like us:

Leave a Reply

Advertisements
Pinterest
LinkedIn
Share
Instagram
Telegram
Reddit
Tiktok