Marian, puno ang oras kahit nasa bahay

TAKE IT TAKE IT!Lolit Solis – Pilipino Star Ngayon

October 2, 2021 | 12:00am

Advertisements

Talagang artistic si Marian Rivera. ‘Yung mga flower arrangement business niya na Flora Vida laging inaabangan at talagang nakapila ang reservation para mauna sa pagbili. Meron nga akong kakilala na talaga raw advance kung mag-order dahil nga ‘pag na-late ka, usually ubos na ang collection.

Bongga si Marian ha, talagang ang artistic juice niya ibinubuhos niya sa anumang ginagawa niya, dahil kahit sa pagluluto, nag-e-excel ang talento niya. Kaya hindi kataka-taka na kahit nasa bahay lang siya, busy pa rin dahil nga doon niya ibinubuhos ang panahon niya, pag-aalaga sa dalawang anak, pag-asikaso sa asawang si Dingdong Dantes, pag-aayos sa mga order para sa Flora Vida.

Never siyang naging idle, puno ang oras niya ng makabuluhang bagay. At iyon ang nagpapaligaya at nagpapaganda sa kanya. Happiness inside na nagbibigay ng glow sa kanyang outside appearance. Bonggang Marian, perfect model ng Flora Vida. Best beautiful flower ng Dantes Squad. Cheers!

Anak nina Cong. Strike at Chaye, star material din

Naku nagtampo sa akin si Chaye Cabal Revilla dahil hindi maganda ang photo niya na lumabas sa Instagram at column ko, kaya kailangang bumawi ako.

Favorite Revilla ko pa naman ang ninang ng Gabay Guro na si Chaye na talagang sobra sa bait at napakatalinong lady of substance.

Alam mo ba na ‘yung anak nila na si Chayeli ay lumalaking napakatalino at cute na bata. Halos hindi nga maiwan ng father niyang si Cong. Strike Revilla at ni Chaye dahil nga sa sobrang attachment nila rito.

Saka bongga dahil talagang star material ang anak nina Strike at Chaye, at manang-mana sa talent ng nanay niya. Bata pa kita na ang pagiging articulate, kaya alam mo na lalaki siya na isa ring lady of substance tulad ni Chaye.

Love you, Gabay Guro Chaye Cabal Revilla.

Source link

Leave a Reply

Advertisements