Mensahe sa asawa ni Alex…‘I am very sorry’

TAKE IT TAKE ITLolit Solis – Pilipino Star Ngayon

October 13, 2021 | 12:00am

Advertisements

Gusto kong maging clear sa lahat na never kong ginusto na maka-offend o makasakit ng tao.

Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko, dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin.

I feel so lucky that in my long journey in life, mas naging maganda ang buhay ko na ibinigay sa mga taon na iyon.

Sabi nga, what is important is the life you put in those years, kesa years in your life. Sa edad ko lalo na ngayong pandemic na madalas ang lockdown, quarantine, at wala nang activities na tulad ng presscons, nag-enjoy ako sa IG para sa column ko na rin. Dahil ayoko lang na ma-idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ito.

Never ever ko nasa isip ma may masaktan, ma-offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa. Matanda na ako para magkaroon pa ng kaaway, ayoko rin na merong nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas ang nasa isip ko. If I have offended, o may nasaktan dahil dito, I am very sorry. Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko nang isulat at i-post ko iyon.

So far, naging mabuti ang propesyon ko sa akin. Lahat ng dreams ko na hindi ko akalaing makukuha ko, ibinigay sa akin. Forever grateful and thankful sa lahat ng blessings.

Doon sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo, I agree. Si­guro nga iyon ang binigay kong image sa tao, iyon ang nakita nila. No problem. Dahil ang importante lang sa akin ay ‘yung pagmamahal at respeto ng taong kilala ko, ‘yung nakasama ko, ‘yung nakakausap ko.

Keber ako sa comments ng tao na hindi ko nakilala, nakausap or nakasama. They can call me names, disrespect me, hate me for all they want, ok lang sa akin. What is important is umabot ako sa edad na ito na hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit marami pa ring nagri-react o apektado ng isang matandang babae na tsismosa, mukhang pera at bobo.

‘Di ba dapat keber na sana sila sa akin? Hindi ba dapat hindi na lang ako pansinin? Hindi ba dapat persona non grata na lang ako?

Why give me that importance of wasting your energy hating, defaming, and bully a 74 years old woman if no substance? Hindi ko talaga makuha ang logic.

Wala akong intention to hurt or cause pain. So sorry if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga’s husband. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize.

I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag-asawa. For the people na sobra namang negative ang naging reaction, I also understand. Pero sana, nakita n’yo rin how Alex Gonzaga’s husband handled the matter.

Sana, bashers can use more respectable words, puwede namang magalit nang sosyal pa rin ang dating, mukhang edukado pa rin. Or baka naman dahil nga tsismosa ako, mukhang pera at bobo, kaya ang bashers ko ganun din ‘di ba?

Baka naman dahil squatter ugali ko, squatter din ang bashers ko, hah hah.

Kasi ang sarap basahin ‘pag constructive ang comment, magandang language ang ginagamit.

So, ok, tanggap ko na rin, sabi nga nila, I don’t deserve respect, pero the way they treat me, meron ba silang respeto sa sarili nila.

Parang mga bully sila na ang gamit na language kanto boys, parang kung ano ang atake nila sa akin, iyon din sila.

Sama-sama na kaming mga tsismosa, mukhang pera at bobo. Ako si Lolit Solis, at ang bashers ko, bow!!

Source link

Leave a Reply

Advertisements