Mga health worker, dapat munang pakinabangan ng sariling bayan!

TAKE IT TAKE ITLolit Solis – Pilipino Star Ngayon

October 9, 2021 | 12:00am

Advertisements

Alam natin na hindi natin mapipigil ang nurses at doctors na gustong magtrabaho sa abroad. Karapatan nila na maghanap ng trabaho na mas malaki ang suweldo kesa sa natatanggap nila rito.

Saka siyempre mas modern ang mga bagay doon na gusto nilang makadagdag sa kaalaman nila. Pero dapat lang siguro na kahit paano makinabang din ang Pilipinas sa expertise nila. Dito sila nag-aral, nagtapos, dapat kahit paano nagsilbi rin sila sa bayan nila.

Mas mabuti siguro na magkaroon tayo ng batas, na bago magtrabaho ang bagong graduate abroad, dito muna sila magtrabaho for 10 years, saka lang sila puwedeng umalis para magtrabaho abroad.

Unfair naman na dito sila nag-aral, nagtapos, nag-practice tapos, biglang aalis ng hindi man lang natikman ng mga kababayan nila ang dunong nila, ang husay nila.

Serve our country for 10 years, then go.

Siguro fair naman iyon. Hindi nga puwedeng magbayad ng mahal ang mga hospital natin, hindi nga moderno ang mga gamit, pero ‘yung nalalaman n’yo ngayon dito pa rin n’yo natutunan, dito pa rin sila graduate.

Saka para na ring tulong natin sa ating bayan, kababayan muna bago ibang lahi ang paglingkuran natin. Feel good pa tayo. Bayan natin ito, sila muna ang unahin natin. Sana ganun ‘di ba.

Gretchen, emotionally matured na

Nagulo ang Instagram account ko sa rami ng response sa ‘pahulaan’ ni Gretchen Barretto. Bumaha talaga ng reply at sagot ha, para win ng love box ni Gretchen. Merong nag-comment na ‘yun daw ibang winner na pinipili ‘yung followers ni Cristy Fermin.

Hindi po totoo iyan dahil doon sa mga nagti-text at tumatawag pumipili si Salve ng winners. Hindi po namin inuuna ang mga kakilala, dahil kadalasan tinatanong pa ni Salve ang totoong name at address dahil dinadala nang personal ang mga bigas, wheelchair at ngayon nga Gretchen love box.

Dahil sa generosity ni Gretchen Barretto ang dami naming prizes na ipinami­migay, dagdag pa ang mga GC na padala ni Catherine Amos.

Talagang sobrang suwerte ang taong ito para sa Take It… Per Minute, Me Ganun dahil napili ni Gretchen na maging daan para sa pagbibigay ligaya niya.

Natatawa nga siya dahil sinasabi na galing daw kay Atong Ang ang mga ipinamimigay niya.

Ok lang daw dahil para sa kanya maligaya siya na nakakapagbigay ligaya siya, iyon lang ang importante.

Alam niya sa loob niya ang ginawa niya, sapat na iyon. Hindi na importante sa kanya kung ano pa ang sinasabi ng iba, basta ginagawa niya ang gusto niya.

Talagang emotionally matured na si Gretchen na pinagdaanan na ang lahat ng pagsubok sa buhay kaya mas strong at stable na ngayon sa pagharap sa mga bagay-bagay.

Source link

Leave a Reply

Advertisements